Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike, ‘di pa handang makatrabaho si Direk Jay

102815 Direk Jay Altajeros mike tan
AYAW nang mag-comment ni Mike Tan sa reklamong tinatamo ngayon ni Direk Jay Altarejos sa isa niyang artistang aktres. Nagkaroon din sila ng isyu noon sa seryeng Legacy na ikinatanggal ni Direk Jay.

Inurirat si Mike sa presscon ng pelikulang No Boyfriend Since Birth with Carla Abellana at Tom Rodriguez pero ayaw na niyang magsalita. Choice umano ni Direk Jay kung anuman ang sitwasyong kinalalagyan daw niya ngayon. Basta malabo pa ang chance na mabigyan sila ng pagkakataon na magkasama ulit sa trabaho. Hindi siya ready na makatrabaho ulit si Direk Jay.

Anyway, marami ang nakakapansin na nag-improve ang acting ni Mike sa nakaraan niyang serye sa GMA at sa gay role na ginampanan niya.

Hindi nga lang siya sinuwerte na mapunta ang role sa isang serye at napunta kay Ken Chan. Tanggap niya na hindi para sa kanya ang proyekto kahit nag-audition siya. Hindi raw bagay sa kanya ang papel dahil matangkad siya para sa nasabing papel.

Wish niya ay challenging ang next role na mapunta sa kanya at hindi boring.

Anyway, happy siya na nakasama ulit si Carla para sa No Boyfriend Since Birth na showing sa November 11 under Regal Entertainment. Na-miss din daw niya na nakatrabaho si Carla dahil nagkasama sila noon sa seryeng Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Tsuk!

 

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …