Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita nabuntis, lolo tinutugis

BACOLOD CITY – Pitong buwan nang buntis ang isang dalagita makaraang gahasain ng kanyang lolo sa Negros Occidental.

Ito ang lumabas sa resulta ng pagsusuri sa biktima makaraang mabunyag ang panghahalay sa kanya ng suspek na ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad.

Nabunyag ang panghahalay ng lolo sa kanyang apo nang mahalata ng mga kaklase ng biktima ang paglaki ng tiyan ng dalagita.

Hindi na rin ito naitago sa mga mata ng kanyang mga guro at sa tulong ng mga opisyal ng barangay at barangay health workers ay ipinasuri ang biktima at nakompirmang siya ay buntis.

Bunsod nito, ibinunyag ng biktima na noong Marso, siya ay ilang araw na ginahasa ng kanyang lolo habang silang dalawa lamang ang nasa kanilang bahay.

Aniya, tinatakot siya ng kanyang lolo na palalayasin sa bahay kung hindi susunod sa kanyang gustong mangyari.

Napag-alaman, sumakabilang-buhay na ang ina ng biktima, at siya at ang kapatid na 13-anyos babae ay iniwan na ng kanilang ama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …