Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LizQuen, walang category o level ang relasyon

102615 liza enrique

MATATAG pa rin ang LizQuen tandem pagkatapos ng insidente sa loob ng eroplanong sinakyan nina Enrique Gil at Liza Soberano patungong London para sa ASAP event. Kaya may nag-iisip kung may sikreto ba ang dalawa kung paano nila napananatiling matatag ang kanilang tambalan.

“Walang secret. Ang secret ay walang level o category o ‘asan na ba kayo? Ang secret ay walang secret talaga,” pag-amin ng aktor.

Puwedeng isiping magkasundo ang dalawa sa anumang bagay. “Exclusive talaga. Para sa akin, kahit 17 lang siya, hindi pa siya puwede. ‘Yung level-level na ‘yan wala namang meaning sa amin ‘yan. Basta, sa akin special siya.”

Parang hindi naapektuhan ang dalawa sa kontrobersiya. “Lagi naman kaming nariyan para sa isa’t isa kahit anong mangyari. We know each other. Well, ako po alam ko po talaga kung ano ang nangyari. Ako po ang katabi ni Enrique. Ayaw ko lang balikan ang issue kasi matagal nang tapos at bakit kailangan pang palakihin,” paliwanag naman ni Liza sa Bench Kashieca LoveStyle event sa Trinoma Activity Center.

Naniniwala kami sa pahayag ng aktor na hindi pa sila magsyota ni Liza dahil hindi pa pinapayagang magka-BF si Liza hanggang wala pa siyang 18.

“MU lang kami, mutual understanding or more on “murag ‘uyab’ (it’s a Visayan dialect which means, ‘parang magsyota.’). Kahit hindi pa kami basta exclusive kami. Bawal ako sa iba, bawal din siya sa iba,” giit ni Quen (tawag kay Enrique).

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …