Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miggy, nabigyan ng chance sa You’re My Home

102615 miggy

00 fact sheet reggeeKASAMA pala sa You’re My Home ang alaga ng katotong Dominic Rea na si Miggy Campbell bilang bestfriend ni Paul Salas na anak ni Assunta de Rossi na inaangkin naman ni Dawn Zulueta dahil siya raw ang nawawala niyang anak.

Sayang at wala si Miggy sa ginanap na grand presscon para kahit paano sana ay nakunan siya ng litratong kasama ang cast ng You’re My Home at matanong na rin kung ano ang nabago sa kanya ngayong kasama niya ang mga sikat na artista.

Kuwento ng katotong Dominic, sobrang thankful si Miggy sa production team ng You’re My Home dahil nabigyan siya ng chance na mapasama at pagbubutihin daw niya ang acting niya para may follow-up project siya bukod sa seryeng kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Isa pang ikinasisiya ni Miggy ay ang indi film nila ni Michael Pangilinan na Pare, Mahal Mo Raw Ako na hango rin sa titulo ng kanta ng singer na napasama sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014.

Hindi lang namin naitanong kung ano ang papel ni Miggy sa Pare, Mahal Mo Raw Ako kasama si Edgar Allan Guzman.

At si Miggy din ang katambal ni Marion Aunor sa music video nitong Oo Nga Pala, Hindi Na Tayo under Star Music.

Masipag naman si Miggy, ateng Maricris kaya sana mapansin din ng madlang pipol.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …