Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May ibang ligaw, bebot utas sa dyowa

HINIHINALANG panibugho ang nagtulak sa isang lalaki upang kitlin ang buhay ng kinakasama sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Parañaque si Jeanalyn Amores, 28, ng 39 Quirino Ave., Lapid Market Compound, Brgy. Baclaran ng lungsod, tinamaan ng mga saksak sa katawan.

Tinutugis ng mga tauhan ng Parañaque Police ang suspek na si Jonathan Dionisio,  40, vendor, nakatira rin sa naturang lugar.

Sa ulat na nakarating kay Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Ariel Andrade, nangyari ang krimen dakong 9:30 p.m. sa loob ng bahay ng magka-live-in.

Sinasabing matagal nang nagsasama ang dalawa hanggang makarating sa kaalaman ng lalaki na may ibang nanliligaw sa biktima.

Bunsod nito, kinompronta ng lalaki ang kinakasama hanggang mauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa kainitan nang pagtatalo, nakahagilap ng patalim ang lalaki at pinagsasaksak ang kinakasama.

Nang makitang duguan ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek habang si Amores ay isinugod ng kanyang mga kapitbahay sa naturang ospital ngunit binawian ng buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …