Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malaya nasilip ni Bubwit

00 rektaSa darating na Linggo ay lalargahan sa pista ng Sta. Ana Park ang “Sampaguita Stakes Race” na kinabibilangan ng mga nauna nang nagpalista na sina Cleave Ridge, Love Na Love, Malaya, Marinx, Never Cease at Skyway. Magpapambuno sila sa medyo mahabang distansiya na 1,800 meters.

Base sa ating bubwit ay nasisilip niya ang kalahok na si Malaya dahil sa resulta ng trangkong nagawa nitong nagdaang Sabado, dugtong pa niya ay solohin na at kung may iba pang kursunadang kuhanin ay basta iuna lang sa listahan si Malaya .

Sa naganap naman na takbuhan nitong weekend sa SLLP ay kaya pang makaisang panalo ng mga kabayong sina Going West, Arvin Dugo, Pearl Bull at Peace Needed. Ang mga puwedeng abangan ay sina Club Champion, Nurture Nature at Colonial Star. Ang nasilip naman na nakapagbigay ng sama ng loob ay ang pagkatalo ng kabayong si Sweet Daddy’s Girl na animo’y nasa isang barrier trial lamang ang nagawang pagpapatakbo sa kanya ng nagdala sa kanya, lalo pagpasok ng tres oktabos (600 meters) na kung saan ay ramdam na nakontrol ang pagpapatakbo sa naturang kabayo.

REKTA – Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …