Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, pang-best actress ang arte sa PreNup

100115  jennylyn mercado sam milby
NAALIW kami sa pelikulang The PreNup nina Sam Milby at Jennylyn Mercado noong mapanood namin ito sa premiere night sa Megamall. Sobrang tawa namin.

Havey si Jennylyn sa comedy. Nasa timing ang pagbitaw sa punchline lalo na sa dialogue niyang ‘tantado’. Pang-best actress na talaga si Jen in a comedy role.

Sobrang kinikilig din kami sa chemistry nina Jennylyn at Sam Milby. Ang sarap-sarap at guwapo ni Sam sa movie. Hindi siya mukhang ngarag at fresh ang aura.

Isa pang napansin namin sa pelikula ay ang husay ni Neil Coleta bilang kloseta. Mahaba pala ang role ng binata sa pelikula at nabigyan niya ng justice. Hanep din ang paghahabol ni Melai Cantiveros sa kanya sa pelikula na may eksenang napatawa kami noong maglupasay si Melai na iniwan ng sasakyan samantalang bumili pa ng bagong sapatos.

Gusto rin namin ang mahusay na acting nina Gardo Versoza at Jaclyn Jose. Napaiyak naman kami ni Dominic Ochoa sa isang eksena nila ni Jennylyn  na may pinagdaraanan sa lovelife.

Showing na ang super kilig movie of the year na maraming scenes na kinunan sa New York. Handog ito ng Regal Entertainmen. Feel good ang pelikula ni DirekJun Lana at Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …