Monday , November 18 2024

Scream research para sa mas maigting na seguridad

101415 scream sigaw yell

ANG ingay na likha ng sigaw ng isang tao ay napakamakapangyarihan na agad nitong napapagana ang fear circuitry, o takot, sa ating utak, batay sa datos na nakalap mula sa bagong pag-aaral na nagdokumento sa acoustic signature ng sigaw.

May kanya-kanyang karakter ang iba’t ibang uri ng pagsigaw -— kabilang ang hiyaw ng mga sanggol. Ang tawag dito ay ‘roughness,’ na tumutukoy sa bilis ng pagbabago ng lakas (volume) na likhang ingay. Ang pag-aaral, na napaulat sa scientific journal na Current Biology, ay maaaring humantong sa mas nakatatakot na mga pelikula hanggang sa pinaigting na mga alarm sound para sa seguridad ng tahanan o alin mang gusali at establisimento.

“Kapag tinanong ang sinuman sa kalsada kung ano ang espesyal sa sigaw, sasagutin kayo na ito’y malakas at mas mataas ang pitch,” punto ni David Poeppel ng New York University, na senior writer ng napaulat na datos sa nabanggit na pag-aaral.

“Ngunit marami rin malalakas na ingay at matataas ang pitch, kaya nanaising maging kapaki-pakinabang ang sigaw sa konteksto ng komunikasyon,” dagdag ni Poeppel.

Para malaman kung ano ang kaibahan ng sigaw sa iba pang mga ingay, pinag-aralan niya sa kanyang post document na Luc Arnal (na ngayon ay nasa University of Geneva) ang sound waves mula sa mga sigaw na narinig sa ilang mga YouTube video, popular na pelikula at recording ng mga volunteer screamer.

Mula rito ay dinetermina ng mga siyentista kung paano ipinoproseso ang mga sigaw sa loob ng utak.

“Napag-alaman namin na ang sigaw ay may nakareserbang bahagi ng ating auditory spectrum, pero dumaan kami sa iba-ibang mga ingay para matiyak kung ito ay nakalaan lamang para sa sigaw,” ani Poeppel.

“At sa serye ng obserbasyong aming ginawa, nakita naming totoo ito kung ihahambing ang sigaw sa pag-awit at pagsasalita, kahit sa iba pang mga wika at lengguwahe. Ang tanging nakamamangha lamang ay gayun din ang alarma ng security system na nakapagpa-activate din ng bahaging ito ng ating utak,” konklusyon nito.

Ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *