Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Upline Downline, makabuluhang pelikula ukol sa networking

101415 Upline Downline

00 Alam mo na NonieISANG advocacy movie ang Upline Downline na pinagbibidahan nina Matt Evans, Ritz Azul, at Alex Castro. Ito’y produce ng ANPO (Alliance for Networkers of the Philippines Organization) ni Mr. Jay-Ar Rosales at sa direksyon ni katotong George Vail Kabristante.

Tinaguriang first networking movie sa Filipinas, makabuluhang pelikula ito lalo sa mga gustong sumabak sa negosyong networking na usong-uso ngayon. Makikita sa pelikula kung paano makaiiwas sa scam sa networking at kung paano magiging maunlad. Ayon sa isa sa stars ditong si Alex, tinanggap niya ang pelikula dahil nagustuhan niya pagkatapos mabasa ang script. “Napapanahon kasi ang pelikula, about sa networking business at kung paano naloko ang mga sumasali rito. Makikita rin kung paano sila umunlad.” Sinabi ni Joseph Lim na AIM Global’s Hall of Famer at isa sa gumanap dito, na makikita rin sa pelikula kung ano ang puwedeng gawin ng mga nabiktima ng scam at paano makaiiwas sa scam. Sa puntong ito, kaagapay at matutulungan sila ng ANPO. Pa-labas na ang Upline Downline sa October 28, 2015 at magkakaroon ng premiere night sa October 27 sa SM Megamall, 7 pm. Bukod kina Matt, Ritz, at Alex, ang iba pang bituin ng Upline Downline ay sina Rez Cortez, Ynez Veneracion, Snooky Serna, Juan Rodrigo, Jojo Alejar, at Jaiho.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …