Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sabwatang Palasyo Ombudsman vs VP Binay itinanggi

HINDI nakikipagsabwatan ang Palasyo sa Ombudsman para gipitin si Vice President Jejomar Binay at sirain ang kanyang 2016 presidential bid.

Sinabi ni Communications Secretary herminio Coloma Jr., walang hurisdiksyon ang Malacanang sa Office of the Ombudsman na isang independeng constitutional body.

Binigyang diin pa niya na ang administrasyong Aquino ay tumatalima sa rule of law.

“The Office of the Ombudsman is an independent constitutional body over which the executive branch has neither authority nor jurisdiction.This administration has always adhered to the rule of law,” ani Coloma.

Ang pahayag ni Coloma ay bilang tugon sa sinabi ni Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay, na ang administrasyong Aquino ay nakikipagkutsabahan sa Ombudsman para gipitin si Binay, kabilang ang pagsasampa ng mga kasong graft, malversation at falsification of public documents laban sa Bise-Presidente sa Sandiganbayan, at pagdismiss kay Makati Mayor Junjun Binay at 22 iba pa kaugnay sa Makati City Hall parking building.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …