Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Enrique at Liza, bubuwagin na

100815 lizquen liza enrique
MAY tsikang paghihiwalayin na umano ang tambalang Enrique Gil at Liza Soberano. Tinatapos na lang daw ang kanilang mga proyekto na magkasama kagaya ng pelikulang Everyday I Love You with Gerald Anderson.

May kinalaman ang pagbuwag umano sa LizQuen sa naganap na insidentee sa eroplano papuntang London.

Tinanong namin ang isang malapit kay Liza at itinanggi niya ito. Okey naman daw sina Liza on and offcam pagkatapos ng kontrobersiya.

Sa isang panayam kay Liza ay tinanong din siya kung bakit hindi pa iniiwanan si Enrique.

Sambit ng young actress, kilala niya kung sino talaga si Enrique. ”I was with him the whole time. I’m always with him every day. I know who the real Enrique Gil is. I know what happened,” deklara niya.

Nagpapasalamat din si Liza sa ibinibigay na suporta ng fans sa love team nila at hindi rin nagpaapekto sa mga naglabasang balita. Nananatili pa ring solid sa LizQuen.

Pero sinabi rin ng dalaga na open din siya ‘pag binigyan siya ng ibang ka-partner sa ibang project. Hindi rin puwedeng stick to one lang dahil baka pagsawaan din sila. Kailangang mag-grow din ang mga career nila at makaranas ng ibang bagay para sa career nila.

Pero sa ngayon ay nag-i-enjoy pa siyang kasama si Enrique.

Pak!

TABLOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …