Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Felix Manalo premiere, binali ang 2 Guinness World Records! (Dagdag sa 8 naunang Guinness Records)

093015 Dennis trillo Felix Manalo

00 SHOWBIZ ms mISANG malaking pagkilala na naman ang nakamit ng Iglesia Ni Cristo (INC) nang dalawang Guinness records ang ‘nasira’ nila noong Linggo ng gabi sa premiere screening ng Felix Manalo na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Bela Padilla sa Ciudad de Victoria, sa Bocaue, Bulacan.

Ang dalawang Guinness records na nabali ng Felix Manalo ay ang Largest Attendance at a Film Screening na ang record ay hawak ng documentary film na Honor Flight noong 2012 na ginawa ang premiere sa Miller Park Stadium, Milwaukee Wisconsin, USA na mayroong 28,442 katao ang dumalo at ang Largest Attendance for a Film Premiere na hawak ng Hollywood fantasy na The Chronicles of Namia: Prince Caspian na may 10,000 in attendance na ginawa sa 02 Arena, London noong 2008.

100615 felix manalo INC premiere
Dumating ang official representative o ang adjudicator ng Guinness World Records (Marco Frigatti at Victoria Tweedey) mula United Kingdom para ibigay ng certificate sa mga taga-INC at Viva Films.

Nakamit ng INC-Felix Manalo movie ang dalawang Guinness World Records, ang Largest Attendance for a Film Screening at Largest Attendance for a Film Premiere. Umabot kasi sa 43,624 mula sa 55,000 seater ng Philippine Arena ang mga taong nanood ng Felix Manalo.

100615 felix manalo INC guiness

Tinanggap nina INC auditor Glicerio Santos Jr., Doc Serge Santos at Viva Films president at CEO Vic Del Rosario Jr., Vincent del Rosario, kasama sina direk Joel Lamangan, Dennis Trillo, at Bela Padilla mula kina Frigatti at Tweedey ang certification.

Bale ang dalawang bagong Guinness records ay dagdag mula sa dating records na nakuha noong July 27, 2015 ng INC na Largest mixed-use indoor theater in the world at ang Largest Gospel choir na naganap naman noong inagurasyon ng Philippine Arena. Nakakuha rin kamakailan ng Guinness records ang INC sa Largest Charity Walk na ginawa nila para sa Super Typhoon Yolanda (Haiyan) survivors noong February.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …