Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jacky Woo, bigay-todo ang acting sa pelikulang Tomodachi

092815 jackie woo bela padilla

00 Alam mo na NonieINSPIRADO ang Japanese actor-producer na si Jacky Woo sa bago niyang pelikula na pinamagatang Tomodachi ng Global Japan Incorporated. Ito’y mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at pinagbibidahan din nina Eddie Garcia, Bela Padilla, Pancho Magno, at Hiro Peralta.

Ang pelikulang Tomodachi (na ang kahulugan ay kaibigan) ay hinggil sa pagmamahalan nina Toshiro (Jacky) at Rosalinda (Bela). Isang pag-iibigan sa pagitan ng isang sundalong Hapon at Filipina na naganap sa sa ilalim ng digmaan.

Sa baluktot na pagta-Tagalog, sinabi ni Jacky ang saloobin sa naturang pelikula. “Ako masaya. Direk Joel is like Kurosawa, sobrang professional, magaling siyang direktor.

“Siyempre I like this country, maybe kalahati puso (ko) Filipino. May bahay na, maybe dito mag-stay. I like itong Pilipinas at itong showbiz. Gusto ko lagi mag-work dito sa showbiz.”

Sa pamamagitan ng kanyang interpreter, ipinahayag din ni Jacky na, “Nagpapasalamat ako na nakatrabaho ko ulit si Direk Joel. Kasi, siya ang pinakamagaling na direktor sa Pilipinas. Kaya iyong mga emotion ko ay nailalabas ko dito ng maayos kapag kasama ko si Direk Joel. Nagpapasalamat din ako sa mga kasama kong actor at aktres dito.”

Ipinahayag pa ni Jacky na panagarap niyang kilalanin bilang dramatic aktor, kaya inspirado at bigay-todo raw siya sa pagganap dito sa Tomodachi.

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …