Sunday , December 22 2024

Lumad Killings ayaw ipaurirat ni PNoy sa UN Special Rapporteurs

HUWAG kayong manghimasok sa isyu ng Lumad killings.

Ito ang buwelta ng Palasyo pahayag ng dalawang United Nations special rapporteurs na humihimok sa administrasyong Aquino na imbestigahan ang mga insidente nang pagpatay sa human rights activists at Lumad sa Mindanao.

“The PHL needs to undertake its own internal processes to look into the incident in Surigao. It is best to let these internal processes take place before any international bodies even come into the picture,” ayon kay Coloma.

Sa inilabas na statement ng Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCR) nitong Martes, nagpahayag nang pagkabahala sina UN special rapporteurs on indigenous peoples rights, Victoria Tauli-Corpuz, at on human rights defenders, Michel Forst, sa mga napaulat na patayan na ang mga biktima ay dalawang Lumad at isang tumutuligsa sa paglabag sa human rights, mining at land conversion sa ancestral lands.

“Military occupation of civilian institutions and killing of civilians, particularly in places such as schools which should remain safe havens for children from this type of violence, are unacceptable, deplorable and contrary to international human rights and international humanitarian standards,” sabi pa sa kalatas ng OHCR.

Batay sa indigenous group Katribu, 53 Lumad na ang pinaslang sa ilalim ng administrasyong Aquino at tumindi anila ang patayan ngayong 2015 na ikinamatay na ng 13 katao mula noong Setyembre 1 at libo-libo ang napilitang lumikas mula sa kanilang tahanan.

Kaugnay nito, mariing itinanggi ng Palasyo ang akusasyon na may basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang militarisasyon sa mga paaralan at paghahasik ng karahasan sa mga pamayanan ng Lumad.

Isiniwalat kahapon ni ACT partylist Rep. Antonio Tinio, inutusan ni pangulong Aquino na isara at okupahan ang 24 paaralan ng Talaingod Manobos sa Davao del norte.

Ani Tinio, nabuo ang plano sa pulong noong  Abril 23 na isinagawa ng Regional Intelligence Committee ng  National Intelligence Coordinating Agency or NICA na nasa ilalim ng tanggapan ng Pangulo.

Ayon kay Coloma, walang batayan at walang katuturan ang akusasyon ng kongresista dahil si Education Secretary Armin Luistro ang  nakatutok sa pagpapanatili ng katahimikan sa mga paaralan ng mga katutubo sa Mindanao, gaya ng Lumdas at Manobos.

Sinabi pa ni Coloma, inatasan din ang mga guro na tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante.

“The allegation is baseless and unfounded.  Sec. Armin Luistro is leading Deped efforts to ensure that schools in the area are maintained as peaceful places. Teachers are tasked with ensuring the safety of students,” ayon kay Coloma.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *