Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Albert at Coco, bine-baby si Arjo

092415 albert coco arjo

00 fact sheet reggeeHINDI direktang inamin ni Albert Martinez kung kontrabida siya sa seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano bilang ama ni Arjo Atayde na mortal na kalaban ni Coco Martin.

May twist daw sa kuwento sabi ni Albert, ”kailangan n’yong panoorin, ha, ha, ha,”tumawang sagot sa amin nang tanungin namin kung ano ang role niya.

Samantala, napuri naman ni Albert si Arjo na unang beses niyang makatrabaho.

“Oo, first time, kaya nga bine-baby namin ni Coco ‘yan kasi he has a great potential at nakita namin ‘yung sarili namin sa kanya (baguhan palang sila). Alam mong may laman at may pupuntahan kaya igina-guide na lang namin siya para umabot sa ganoon (tumaas pa),”kuwento ng aktor.

Tinanong din namin si Albert tungkol sa All Of Me sa balitang mawawala na si JM de Guzman sa serye base na rin sa mga nasulat at kuwento mismo galing sa ABS-CBN.

“Ahh, ‘yung part na ‘yun hindi ko alam (kasi) management ‘yun, eh. Kasi sa akin pilot lang (commitment),” sabi ni Albert.

Walang idea si Albert kung ibabalik pa ang karakter niya bilang tumandang JM.

“Hindi ko alam, unless they present, kasi sa akin, ang commitment ko lang talaga is pilot (week) lang, kung ibabalik ako roon, they have to present (another story) kasi panibago ‘yun,” katwiran niya.

Kapag nawala raw si JM ay ibabalik ang karakter ni Albert na tumanda na lang dahil ito naman daw ‘yung umpisa ng kuwento ng magkakilala sila ni Yen Santos.

“Ahh, hindi ko alam kasi right now, ‘yung schedule nga nito (‘Ang Probinsiyano’) ang magiging problema, so I don’t know kung anong mangyayari, hopefully maayos lahat, kasi napakagaling na artista naman talaga ni JM, sayang naman.

“At saka ang ganda ng istorya, from matanda to (bata), ayoko ng galawin, at saka tapos na lahat ng eksena ko, ginawa namin ‘yun pilot two months and I’m so happy with the pilot kasi para siyang isang buong pelikula, may umpisa at may dulo, so okay na at nakakatakot namang galawin (ibahin) pa, eh, ang ganda na,” paliwanag ng aktor.

At higit sa lahat ay hindi na raw niya kakayaning magdalawang serye dahil madugo ang tapings ng Ang Probinsyano.

“Oo, ang schedule, mahirap,” sabi ni Albert.

Anyway, mapapanood na ang Ang Probinsyano sa Setyembre 28 pagkatapos ng TV Patrolkasama ang magagaling na artistang sina Coco Martin, Joey Marquez, Agot Isidro, Bela Padilla, Jaime Fabregas, Arjo Atayde, Maja Salvador, Ana Roces, Dennis Padilla, Lester Llansang, Marvin Yap, Pepe Herrera, John Medina, Michael Jornales, Gio Alvarez, Ramon Christopher, ZaiJan Jaranilla, Simon Pineda, Malou Crisologo, Malu de Guzman, at Ms. Susan Roces mula sa direksiyon nina Avel Sunpongco at Malu Sevillahandog ng Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …