Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, aayusin ang lahat para magkita sina Jiro at amang Hapon

070915 aiai jiro
PURSIGIDO si Ai Ai Delas Alas na magkita sina Jiro Manio at ang ama niyang Japanese.

“Hangga’t may buhay may pag-asa. Sabi ko nga gagawin ko ulit ang lahat ng makakaya ko para maging maayos at maayos ko itong problema ng dalawa.

“Bakit, bakit ko tina-tiyaga ito? Kasi ipinangako ko ito kay Jiro, na gagawin ko ang lahat, na tutulungan ko siya ng walang kapalit. Si Lord na ang bahala sa akin,” deklara ng Comedy Queen.

Hindi naman daw pinabayaan si Jiro ng kanyang ama noong bata pa ito.

“Kasi sinusuportahan niya si Jiro, hindi ngayon, pero ibig kong sabihin hindi niya binibitawan ang responsibility niya being a father, iyon ‘yun. Na sa ano naman ni Jiro, kumbaga victim nga ‘yung dalawa, eh. ‘Yung father and son, victim.

“Parang, ‘Ako hindi kita kinakalimutan’, ‘yung anak niya akala niya kinalimutan siya.”

Pero hindi raw nakararating kay Jiro ang mga ipinadadala ng ama nitong Hapon.

Masama ang loob ng kanyang ama sa mga nangyari.

“Nagagalit siya kasi parang bakit niya ginaganoon ang sarili niya. Bakit niya sine-self-destruct ng walang kadahilanan. Kasi hindi naman niya alam, ang alam niya as a father, ‘Ibinibigay ko ‘yung responsibility ko sa iyo, bakit ginagawa mo ‘yan sa buhay mo? Kasi ang Japanese ganoon, eh. Hindi nila puwedeng bitawan ang responsibility nila. ‘Di ba? Sa kanya parang, ‘Ano’ng ginagawa mo,  bakit ginaganyan mo ang sarili mo?’”

Ang plano ng ama ni Jiro ay magpagaling muna dahil namamaga ang paa at bandang leeg.

Magiging happy naman siguro si Jiro dahil malalaman nito na hindi pala siya pinabayaan ng kanyang ama.

“Depende, kasi may kondisyon si Jiro so, hindi rin natin siya puwedeng biglain kung ano ‘yung sinasabi ng father. Kasi hindi rin naman niya alam na ganoon, eh.

“Or hindi ko lang din alam kung alam niya na ganoon ‘yung sitwasyon ng father.

“Hindi niya alam kasi ‘yung lola ang nasa middle, eh.”

Tutuparin ni Ai Ai ang pangako kay Jiro na dadalhin niya ito sa Japan.

“Gagawin ko ang lahat para maging masaya ‘yung pagkikita or maging maganda ‘yung closure ng mag-ama.”

Aayusin raw ni Ai Ai ang lahat.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …