Monday , December 23 2024

‘Di ko kailangan ng publicity — Ai Ai sa umano’y ginagamit si Jiro

070915 aiai jiro
INAAKUSAHAN si Ai Ai Delas Alas na ginagamit lang daw si Jiro Manio para magkaroon ng publicity. Bina-bash siya sa social media at sa isang showbiz site.

“Hello, kailangan ko ba ngayon ng publisidad?,”  bungad  niyang reaksIyon.

‘Hindi madali itong ginagawa ko. Kung alam lang nila ang hirap na dinaraanan ko,” himutok pa niya na nagpunta pa ng Japan para hanapin ang ama ni Jiro. Effort talaga siya sa ginagawa niya.

Hindi naman kailangan ni  Ai Ai sa panahong ito na magkaroon ng publisidad lalot tambak ang trabaho niya sa GMA 7. May bago pa siyang showbiz talk show ngayon. May sisimulan pa siyang filmfest movie with Vic Sotto.

Hindi naman biro ang ginagawang tulong ni Ai Ai sa anak-anakan. Hindi rin basta-basta ang nagagastos niya.

“Sige sila ang tumulong kay Jiro. Kayanin kaya nila? Sino ba ang tutulong sa kanya ngayon na walang hinihintay na kapalit?,” bulalas pa niya.

Sa totoo lang, ‘yung pagpapa-rehab lang ni Jiro ay sinasagot din ni Ai Ai monthly na umaabot ng P60k. Buti nga minsan ay nagpadala ng tulong si Lorna Tolentinopara pandagdag sa gastusin sa rehab.

Mahal kaya ang magparehab kaya mabuti’t nandiyan si Ai Ai. Sino nga naman ang puwedeng tumulong ngayon kay Jiro maliban kay Ai Ai?

Kaya puwede ba tigilan na lang ‘yung mga hanash sa Comedy Queen lalo’t di naman kayo nakatutulong kay Jiro?

Flangak!

Ama ni Jiro, may sakit at nasa ospital

NAKAKUWENTUHAN namin si Ai Ai at tinanong sa Narita Airport kung napatagumpayan ba niya na makausap ang ama ni Jiro Manio na isang Hapon. Sabay din kasi ang sinakyan naming eroplano pauwi ng Pilipinas galing Tokyo, Japan.

Nagpunta si Ai Ai sa Japan noong Huwebes, September 10 at umuwi ng September 14.

Posibleng i-discuss ni Ai Ai ang kanyang Japan tour  at paghahanap sa father ni Jiro sa bago niyang weekly entertainment news and talk show.

Sinamahan at tinulungan si Ai Ai ng isang  Japanese friend . Ang kaibigan niyang Hapon ang kumausap sa ama ni Jiro na si Yusuke Katakura na nasa Kamata, Southern Tokyo. Iba kasi kung hapon sa hapon ang nag-uusap. Nakuha nila ang koneksiyon sa ama ni Jiro sa ina ng ex-girlfriend ng actor na nasa Japan din.

Komplikado ang naging resulta dahil may sakit ang ama ni Jiro at nasa ospital. Sinabi niya na magpagaling muna siya bago makipag-usap kay Ai Ai. Sarili muna raw niya ang intindihin at ayaw niya munang ma-stress.

Napag-alaman namin na umano’y may pinagdaraanan din ang ama ni Jiro. Kahihiwalay lang sa asawang Pinay, may sakit kaya walang trabaho ngayon.

Bukod dito, may malaking misyon pang gagawin si Ai Ai dahil may parehong tampo ang mag-ama.

Noong kasikatan at kasagsagan daw ni Jiro bilang artista ay hindi  umano siya naalala at hinanap .

Nagtanong din siya kung nasaan na raw ang mga kinita ni Jiro noong aktibo pa ito bilang artista?

Kailangang hilutin pa ni Ai Ai ang relasyon at damdamin ng mag-ama. Hindi niya susukuan ang kanyang misyon. At naniniwala siya na lalambot din ang puso ng ama ni Jiro sa darating na panahon. Tutuparin pa rin ni Ai Ai ang pangako niya sa anak-anakang si Jiro na dadalhin niya ito sa Japan oras na gumaling ito at makalabas sa isang wellness clinic sa Quezon City.

Naniniwala si Ai Ai na dapat talagang makasama ni Jiro ang kanyang ama para mawala ang mga katanungan ,agam-agam  at depresyon na pinagdaraanan niya. Parang teleserye ang itinatakbo ng istorya ng buhay nina Jiro at ng kanyang ama na inaasahan ng Comedy Queen na magkaroon ng magandang ending. Sana raw ay magtagpo pa ang mag-ama bago mahuli ang lahat.

Boom!

Ningning, may bagong ibabahagi na pampa-goodvibes

MAS nagiging magaan at makulay na ang umaga at tanghali ng daytime TV viewers dahil sa good vibes at inspirasyon na ibinabahagi ng top-rating teleserye ng ABS-CBN na Ningning na pinagbibidahan ni Jana Agoncillo.

Sa katunayan, umani ng iba’t ibang papuri sa social networking sites tulad ng Twitter ang Ningning mula sa mga masusugid na tagasubaybay. Bumuhos ng positibong tweets tulad ng—”@winter_sky016: Sarap sa pakiramdam manood ng Ningning, ang gaan sa pakiramdam. Positive lagi ang tingin sa buhay. #Ningning;”

“@tfcgodfather: Ang gusto ko sa #Ningning ay hindi lamang ‘yung pagiging light ng istorya, kundi ‘yung pagbibigay pugay nila sa mga guro. Salamat, ABS-CBN;” at “@ryanemmanuelS: Pwedeng pwede din talaga ‘to sa primetime. Simple bawat scene pero kay kurot sa puso. #Ningning.”

Samantala, patuloy pa rin ang pagbibigay kasiyahan at ngiti nina Ningning (Jana) at Macmac (John Steven de Guzman) sa school tour ng teleserye na ginaganap tuwing Lunes. Kamakailan ay binisita nina Ningning at Macmac ang Epifanio delos Santos Elementary School na pinangunahan nila ang Panunumpa sa Watawat at morning exercise sa flag ceremony ng mga estudyante.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng exciting adventures ni Jana sa  Ningning, araw-araw, bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *