Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maki-rock at makikanta sa Michael Learns to Rock!

091815 michael learns to rock

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG nagbalik-‘Pinas ang Michael Learns To Rock para muling iparinig ang mga awiting kinagiliwan sa kanila ng mga Pinoy.

Nakapanood na ako ng konsiyerto nila nang minsang mag-concert sila rito sa Manila kaya at talaga namang sulit ang pagpunta at panonood sa kanila. Kaya naman excited ako sa pagbabalik nila sa September 19 sa Smart Araneta Coliseum. Kaya nga we will expect the big dome to rock and reverberate with heartfelt emotions kapag nakikanta na ang audience sa kanila.

Kasabay ng concert ang pagdiriwang ng ika-25 taon ng Michael Learns to Rocks para muling marinig ang mga naggagandahan nilang awitin tulad ng  The Actor, 25 Minutes, Sleeping Child, Out of the Blue,  That’s Why You Go Away, Nothing To Lose, Breaking My Heart, Take Me To Your Heart, Someday, Paint My Love, at marami pang iba na talaga namang masasabing all-time favorite classics.

Nabuo ang grupong Michael Learns to Rock noong 1988 sa Denmark at binubuo ito nina Jascha Richter, singer at keyboard player; Kare Wanscher, drummer; at Mikkel Lentz, guitarist.

Kasabay din ng ika-25 taon ng grupo ang biggest at most comprehensive Greatest Hits collection, ang 25 na makikita na sa mga recording stores at digital downloading sites na siyang magmamarka sa kauna-unahang pagkakataon na pinagsama-sama ang lahat ng Michael Learns to Rock’s hits sa isang one collection, oûering a soundtrack of hits as you walk down memory lane.

Kaya huwag kaligtaan, magkita-kita po tayo sa Sept. 19, sa Smart Araneta Coliseum para sa Michael Learns to Rock concert hatid ng Midas Promotions.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …