Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, ipinagtanggol ni Ejay

083015 Ejay Falcon ellen adarna

00 SHOWBIZ ms mIPINAGTANGGOL kaagad ni Ejay Falcon ang kanyang leading lady sa Pasion de Amor na si Ellen Adarnamatapos mabalitang iniwan siya nito sa Star Magic Ballparty noong Sabado.

Nabalita kasing iniwan ni Ellen si Ejay dahil tila marami na itong nainom na alak. Itinuturong sumama ito kay Paulo Avelino gayung si Ejay ang ka-date.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Ejay na ‘wag agad i-judge si Ellen. ”Pls dont judge her. She’s an amazing date. Nag-enjoy ako kasama siya. Wala rin namang problema na makipag-usap siya sa mga malapit nya ring kaibigan. Party naman ‘yun so natural lang na mag-interact sa iba’t ibang tao,” sambit ni Ejay.

Iginiit pa ng actor na nagpapasalamat siya na pumayag si Adarna na maging date niya sa katatapos na 9th Star Magic Ball. ”Happy at thankful pa rin ako na pumayag siya maging date ko. I wouldn’t change a thing.”

Samantala, tinanong namin ang isa sa malapit sa actor kung ano na ang real score kina Ellen at Ejay. Anito,”friends daw sila. Malalaman ko kung mag-boyfriend-girlfriend na sila kapag ipinakilala na niya sa akin ang babae. Kasi so far ang ipinakilala pa lang sa akin ni Ejay eh yung si Queenie Padilla. Si Yam Concepcion hindi naman niya ipinakilala. At ang gusto ni Ejay ‘yung mukhang probinsiyana,” anang kausap ko.

So, si Queenie pa lang so far ang tinotoo ni Ejay ganoon?! Pero teka, hindi naman mukhang probinsiyana si Queenie ‘di ba?! Siguro ‘yung simpleng beauty lang ang gusto ng actor. Ganoon!

Anyway, iginiit naman ni Ejay na friends pa lang sila hanggang ngayon ni Ellen at masaya sila na magkasama lagi.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …