Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lim umaani ng suporta sa Manilenyo

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga residente ng Maynila sa muling pagtakbo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim upang maluklok muli bilang alkalde. 

Ilang distrito ang dinalaw ni Lim kahapon ng umaga at namigay ng wheelchairs sa mga nangangailangan. Masaya ang mga residente sa pagdalaw ng dating alkalde at sinuportahan ang kanyang planong pagbabalik sa puwesto.

Kasama ni Lim sa paghahatid ng mga wheelchair  ang negosyante at pilantropo na sina RJ Yuseco, retired Chief Insp. Mar Reyes, at Barangay Chairman Mean Arboleda ng Brgy. 273, Zone 25,  District 3.

Kabilang sa nabiyayaan ng wheelchair ay si Corazon Conchas, 56, ng Delpan, Binondo, naputulan ng paa dahil sa komplikasyon sa sakit na diabetes.

Dinagsa ng mga taong tagasuporta ang pagdalaw ni Lim sa kani-kanilang lugar na pawang nagsasabing kailangan na niyang bumalik bilang mayor ng lungsod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …