Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Saan nanggaling ang dragon ng Whampoa Drive?

091015 dragon Whampoa Drive
Sa gitna ng Whampoa Drive, may isang Dragon na nakaupo sa malaking baton na tila inaabot ang kalangitan. Minsan itong bumubuga ng tubig bilang bahagi ng isang fountain.

But where did the Dragon come from?

Ayon sa tagapagsalita ng Moulmein-Kallang Town Council, idinisenyo at ipinatayo ang eskultura ng dragon ng HDB noong 1973 pero tumigil ang pagbuga ng tubig ng fountain noong mid-1990s.

Batay sa ulat ng New Paper noong 2012, nagsimula itong mapabayaan nang panahong iyon, kasama ng iba pang mga Dra-gon structure na itinayo sa iba’t ibang lugar noong 1970s at 1980s. Nagsimulang matuklap ang pintura, at napuno ang kinatatayuan nitong basin o paso ng mga patay na dahon mula sa mga puno sa paligid.

Noong 2012, sumailalim ito sa pangangasiwa at pangangalaga ng Moulmein-Kallang Town Council, na binuhay ang Dragon sa pama-magitan ng paglalagay ng anti-algae treatment at pagdagdag ng landscaping sa paligid ng estruktura. Patuloy nitong minamantine ang dating kinagigiliwang eskultura.

Sa ngayon, napuno nang muli ang fountain kahit hindi na bumubuga ng tubig, at malinis na rin ang mga halaman sa paligid nito. Nagmukhang buhay muli ang Dra-gon, at nakatayo na para bang higanteng tanod sa gitna ng housing estate.

Sa tradisyong nagtakda sa mga dragon na may kaugnayan sa magandang tadhana at mahabang buhay, ito’y maituturing lamang na mabuting bagay para sa lahat.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …