Saturday , November 23 2024

Comm. Lina dapat mag-resign

PANGILDarkness cannot drive out darkness: only light can do that. Hate cannot drive out hate: only love can do that.  – Martin Luther King Jr.

NARARAPAT nang mag-resign si Commissioner ALBERTO LINA sa Bureau of Customs dahil imbes mapagaan at matulungan niya ang mga OFW ay mas lalo pang nahirapan sa panahon ng kanyang pamumuno. Obligasyon ang pagbabayad ng buwis ngunit hindi tama na buksan pa at sobra na ang pagpapataw ng tax lalo sa balikbayan boxes na galing sa dugo’t pawis ng mga taong naghahanap buhay sa ibang bansa kabilang na ang aking asawa. Hindi rin yata alam ni Commissioner LINA ang salitang respeto para sa mga OFW. Isa pa ang kuropsiyon na talamak sa kanilang hanay. Napanood ko sa balita na matapang nga si Deputy Commissioner JESSIE DELLOSA para magsalita ukol sa smuggling at corruption sa BoC. Wala siyang takot ipahayag ang totoong nangyayaring katiwalaan sa kanilang opisina na ikinagalit naman nitong si Commissioner LINA, ‘di ba kung wala siyang itinatago ay dapat siya mismo ang haharap sa patong-patong na bintang sa mga iligal na gawain sa kanilang hanay dahil siya ang namumuno. Nagpapakita lang na guilty talaga siya sa mga katiwalaan. Dapat ng mag isip-isip itong si Mr. LINA dahil ayon na rin sa balita mayroong siyang negosyo na pinapangalagaan. Aba sir huwag mo gamitin ang iyong posisyon para sa iyong personal advancement. Mahiya ka sa mga OFW na nagtitiis na malayo sa pamilya lalo pa ang iba sa kanila namamaltrato ng mga amo sa ibang bansa! – Donnalyn M. Hermo, San Juan, Metro Manila

Kapayapaan sa Mindanao

AYON sa report ng militar nasa 25 porsyento na ng Sulu-based terrorist na ABU SAYYAF GROUP (ASG) ang na-neutralize sa probinsya kasunod nang pinaigting na opensiba laban sa grupo. Kinompirma rin nila (militar) na ayon sa mga naging statement na ilang nakalayang kidnap victims ay nasa pitong ASG sub-groups ang nag-o-operate sa munisipalidad ng Indanan-Parang na nasa 30 bandidong miyembro. Dagdag nila, sa pinakahuling encounter ng sundalo laban sa mga teroristang grupo nasa 29 na ASG na ang napatay habang 26 naman ang sugatan.

Magandang balita ito lalo na sa mga residente ng Mindanao dahil kung mapupulbos ang teroristang grupo ng tropa ng ating gobyerno ay siguradong magkakaroon ng kapayapaan at katahimikan sa kanilang lugar. Siguradong mas uunlad pa ang Mindanao dahil maraming negosyante ang mamumuhunan at hindi na sila matatakot na magtayo ng negosyo at mabibigyan pa ng kabuhayan ang mga residente na naging biktima rin ng kaguluhan na dulot ng terorismo. – Beverly M. Carandang, Gapan, Nueva Ecija

Kapwa muna bago sarili

Gusto ko po bigyan ng pagpupugay ang mga sundalo ng Sandatahang Lakas ng Filipinas dahil ipinagdiriwang ngayon ang “Armed Forces of the Filipino People Week.” Ako po ay proud na anak ng isang sundalo  dahil nakita ko ang pagmamahal at pagmamalasakit ng aking tatay na maglingkod sa bayan.  Siya ang aming naging  inspirasyon na magkakapatid para lahat po kami ay makapagtapos sa kolehiyo.

Ang lagi pong sinasabi ng aking tatay, mahirap ngunit fulfiling ang buhay ng isang sundalo dahil kahit gustuhin pa nilang umuwi sa kani-kanilang pamilya ay may serbisyo-publiko na dapat unahin. Hindi lang rebeldeng grupo sa bansa ang hinaharap ng mga sundalo maging ang hagupit rin ng kalikasan.

Hindi ko pa makakalimutan ang bagyong Ondoy noong taon 2009, kasama ang bahay namin sa mga binaha pero ang tatay ko on duty tumutulong sa mga biktima rin ng bagyo. Literal na “kapwa muna bago sarili” ang kanilang trabaho pero kahit ganoon ikinararangal ko na isang public servant ang tatay ko dahil walang katumbas ang pag-aalay ng buhay para sa bayan. – Michael M. Paras, Marikina City

* * *

Para sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo lang po sa aking cellphone number na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *