Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, pinagselosan daw ang sexy star na kausap ni Enrique

061915 enrique liza
ITINANGGI ni Liza Soberano na nagselos siya sa isang sexy star ng  Banana Split na kausap ni Enrique Gil na naabutan niya habang nagpi-pictorial ang ilang artista ngStar Magic. May tsismis kasi na parang nainis siya na nakikipagkulitan daw si Quen (tawag kay Enrique) sa ibang girl.

Hindi rin daw seloso si Quen pero panay ang tukso raw sa kanya nang mag-shooting sila ni Gerald Anderson para sa movie nila na Everyday I Love You.

“’Oy, Gerald’, ginaganoon niya ako sa set. ‘Sus’, sagot ko naman,” kuwento ni Liza.

Todo tanggi pa rin si Liza na may seryosong relasyon na sila ni Enrique nang makatsikahan ng press sa kanyang contract signing sa bagong ini-endorse naNails.Glow Nails & Body Spa. Nagpaparamdam daw si Quen pero priority pa rin niya ang career dahil marami pa raw siyang dapat bayaran.

Pero si Enrique ang escort niya sa 9th Star Magic Ball sa September 12.

Waiting lang ba si Quen na mag-debut siya next year?

“Hindi naman po. I don’t think age is the basis. When I’m ready, when I think that I can handle being in a relationship po.”

Kailan kaya siya magiging handa?

“I don’t know. Hindi ko masasabi. Ayokong magsalita, tapos hindi po matutupad. When I start feeling the love. He! He! He!,” pakli ng dalaga.

Paano kung hindi siya mahintay ni Enrique?

“Eh ‘di wala. Dati, ang iniisip ko sa boys, parang ang gusto lang, maraming girlfriends, parang ganoon. Pero I think, Enrique is different naman,” bulalas pa ng magandang young actress.

Sinabi rin niya na walang engrandeng debut na mangyayari sa kaarawan niya sa January dahil ayaw niya ng sobrang stress sa preparation. Gusto lang niya ay mag-party sa family at mga close friend. Kinausap din daw siya ng Star Magic at sinabi raw ni Mr. M (Johnny Manahan) na hindi siya pipilitin kung ayaw niya ng engrandeng party.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …