Saturday , November 23 2024

Please don’t blame BOC!

00 parehas jimmyAlam po ninyo mukhang ‘di na maganda ‘yung nangyayari sa tinatawag na balikbayan boxes issue.

Unang-una mukhang ‘di masyado naintindihan ng OFWs kung ano talaga ang ibig sabihn ng random inspection.

Sa totoo lang tama naman ‘yung ginawa ni Pnoy na nakialam na siya sa issue dahil ‘di malaman kung saan hahantong at baka masira ang administration bet sa presidential election.

 Hindi naman garapal ang mga taga-Customs para pagsamantalahan ang kahon ng OFWs dahil alam nila kung gaano kahirap magtrabho sa ibang bansa.

May puso rin naman ang mga taga-BOC.

Ito pa mga Ate, Kuya, kung minsan pagbaba pa lang sa eroplano ay may nawawala na sa bagahe n’yo. Siyempre magugulat ang pasahero, pagtapos sisisihin na naman ‘yan sa customs.

 Sumusunod lang ang customs sa mandato nila na kailangan ma-examine ang mga kahon kaya sana huwag masyado mag over react ‘yung ilang OFW.

Alam ninyo ang isang issue na nakikita ko rito, may mga OFW din na nagpapalusot upang ipaninda nila yung iba. Hindi mo naman sila masisi dahil malíit lang sahod nila at pandagdag kita sa pamilya at least legal yan.

Ang dapat sisihin dito ay ang mga nagsasamantalang forwarders na kunwari negosyo ay door to door service. Pero hinahaluan ng smuggling dapat ‘yan ang parusahan at dapat palitan ang mga hepe at dalhin sa CPRO ‘yung mga taga-BOC informal entry dahil matagal nang nangyayari ‘yan particular sa MIP at POM.

Comm. Bert Lina sibakin mo ‘yang mga matagal nang nakatalaga riyan sa informal entry.

 Kunwari ay balikbayan boxes pero sa gitna pala ay kung ano-ano na ang ‘palaman.’ May TV, electronics, gamot, vitamins, beauty enchancement products, gun parts,auto parts,illegal drugs,etc.

Sana ‘wag sisihin ang BOC sa nangyaring issue sa  balikbayan boxes. blame the forwarders/brokers at mga kasabwat sa informal entry section sa POM at MICP.

May tumawag sa akin para sabihin na itong isang Noel B. ay may puso pala sa kapwa. Siya ay palihim na tumutulong sa kapwa niya particular sa mga nangangailangan.

 Nagbabayad siya ng tamang buwis sa BOC. Negosyante ang pamilya niya kaya kilala namin ang pagkatao niya, sabi pa ng mga nakakakilala sa kanya: ang kinasasaniban n’yang sekta ay may Doctrina sila na bawal mandaya.

Kung totoo ito ay Good luck Noel B. Continue the good work!

***

Isang LITA DIMATATAC ang inirereklamo ngayon sa BOC,dahil pati bidder ng bakal ay tinatalo. Noong 2008 ay may warrant of arrest sya sa Pasay at naisalba lang sya ng isang dating air force chief.

Bandang huli ay trinaydor at pati siya inestafa at ginantso nito.

Kaya yung mga niloko at nabiktima niya ay pumunta na kayo sa NBI at CIDG para ipahuli nyo na si Lita dimatatac.

DOF-RIPS,pa-check nga n’yo ang pinagagawa ni Lita Dimatatac na bagong bahay sa Ayala Alabang.

***

Dapat lang na mag-resign itong si Jay Crisostomo ng PIAD dahil wala naman ginagawa ‘yan kahit binobomba na sa batikos ang customs ayaw pa gumawa ng press release.Wala yatang malasakit sabi ng mga customs collector at nagpapalamig lang sa aircon office nya.

***

Grabe na talaga itong si Lejos. Bakit pinalagyan niya ng barracks ng security guard ang BOC. Sino ang nagbabayad ng ilaw at kuryente dyan di gobyermo kasama ba sa kontrata yan?

 Iba talaga si Lejos magnificent. At bakit ang daming hinahawakan na posisyon n’yan sa customs? Parang si darna ata tingin sa sarili.

Panawagan ng mga namimili sa San Pedro Market

Panawagan ito ng mga sa suki natin sa San Pedro market,ang dami nang nadudulas at nababagok ang ulo at may namatay na rin dito. Kaya naman kung tawagin ito ng mga namimili ay death market.

Wala bang gagawin remedyo ang intsik na  may ari nito? Kilos na mga walang puso kayo!

***

Quote for the day during our happy moments – well praise god painful moments – trust god. Difficult moments- seek god and every moments – always thank god. In every journey. There’s a meaning in every challenge, there’s a growth in every action there’s a purposes In every moments of doubt believe in god, because in every prayer there’s an answer god knows, god hears and god care . God bless us all!

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *