Sunday , December 22 2024

Granted bail ng SC kay JPE rerepasohin ng Palace legal team

REREPASOHIN ng legal team ni Pangulong Benigno Aquino III ang desisyon ng Korte Suprema na nagpahintulot na magpiyansa si Sen. Juan Ponce-Enrile sa kasong plunder, isang non-bailable offense.

“Well, normally, of course the… kasama po riyan ‘yung legal team ng Pangulong Aquino and the… as mentioned by Secretary (Leila) de Lima, she is batting for the prosecution to file an appeal or—sorry—a motion for reconsideration of the decision of the Supreme Court granting bail,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Dahil aniya bago ang doktrina, maraming klaripikasyon ang dapat gawin lalo na ang mga naging dahilan sa pagpayag na makapagpiyansa si Enrile.

“Kasi, siyempre, lahat ng piyansa may mga kondisyones po ‘yan, at dahil bago po ang basehan na kinatayuan ng grant of bail kay Senador Enrile, necessarily, kailangan hong maintindihan kung ano po ‘yung mga parameters ng bail na ‘yon,” aniya.

Nauna nang nagpahayag ng pangamba ang Palasyo na maaaring sumunod na makalaya ay si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang kinasuhan ng plunder dahil sa pasya ng Kataastaasang Hukuman sa kaso ni Enrile.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *