Sunday , December 22 2024

Namatay na Pinay sa Bangkok bombing bineberipika pa — DFA

WALA pang kompirmasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa napabalitang isang Filipina ang namatay nangyaring pagsabog sa Bangkok, Thailand.

Nilinaw kahapon ni DFA spokesperson Charles Jose, patuloy pa nilang beniberipika ang nasabing impormasyon.

Nagpadala na rin aniya ng mga opisyal ang embahada ng Filipinas sa ospital kung saan isinugod ang mga biktima makaraan ang pagsabog sa Hindu Shine Erawan sa central Bangkok.

Nabanggit na rin ni Consul General Edgar Badajos na patuloy na kumikilos ang embahada nang sa gayon ay makakuha ng “first hand” information para makompirma ang nasabing report.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa Filipino communities sa Thailand para malaman kung may iba pang mga kababayan ang nadamay sa insidente.

Hinihinalang inilagay sa motorsiklo ang dalawang bombang sumabog habang ang isa ay na-detonate ng mga awtoridad.

Umabot na sa 27 ang mga namatay habang marami pa ang mga sugatan sa nasabing pagsabog.

Thailand Bombing kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Palasyo ang pambobomba sa Bangkok, Thailand kamakalawa na ikinamatay ng higit dalawampung sibilyan.

“The bombing apparently has the intention to sow terror and we condemn this act in the strongest terms.The Philippines stands in solidarity with the government and people of Thailand at this trying moment ,” ani Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Pinayuhan ng embahada ang mga Filipino sa Bangkok na manatiling mahinahon at maging maingat.

Nagsasagawa ng koordinasyon ang Philippine Embassy sa Thai authorities upang beripikahin ang ulat na isa sa mga namatay ay Filipino.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *