Sunday , December 22 2024

Kelot patay, 4 sugatan sa kotse vs trike

PATAY ang isang lalaki habang apat ang sugatan makaraang salpukin ng isang kotse ang sinasak-yan nilang tricycle sa Don Mariano Marcos Avenue, Quezon City kamakalawa ng gabi. 

Sa ulat ni Insp. Marlon Meman, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 2, kinilala ang biktimang si Michael Capatian, 39, driver ng tricycle, at residente ng 56 Sora St., Brgy. Paltok ng nabanggit na lungsod.

Habang ang mga sugatan ay sina Adelita Capatian, 63; Mary Ann Rabino, 30; Bladimir Rabino, 13; at Tj Sam Capatian, 9-anyos.

Si Michael ay namatay habang nilalapatan ng paunang lunas sa ospital.

Agad sumuko sa pulisya ang driver ng Mitsubishi Lancer (BCJ-112) na si Josemelito Paguirigan, 27, ng 18 Brera St., Casa Milan Subdivision, Fairview, Quezon City, makaraan ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rabindranath Sierra, dakong 10 p.m., tinatahak ng dalawang sasakyan ang nasabing lugar galing sa Commonwealth Avenue patungong Mindanao Avenue Extension ngunit pagsapit sa nabanggit na lugar ay binundol ng kotse ang tricycle.

Sa lakas ng pagkakabundol, tumalsik nang ilang metro ang tricycle sanhi upang dumanas nang matinding pinsala sa katawan si Michael.

Kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide, at multiple physical injury ang kinakaharap na kaso ni Paguirigan.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *