Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dra. Josefina Calayan to Dr. Manny and Pie — We are not fake doctors

081815 calayans

00 SHOWBIZ ms mHANDA raw makipagkasundo ang mga Calayan sa pangunguna ni Dr. Josefina V. Calayan sa anak niyang si Dr. Manny at asawang si Dra. Pie para muling maibalik ang dati nilang samahan.

Nagsimula ang sigalot sa pamilya Calayan nang kasuhan ng mag-asawang Pie at Manny ang pamangking si Lalen ng paglabag sa intellectual property rights para sa logo ng Calayan. Kasabay din nito ang TRO para hindi mabuksan ang clinic na ipinatayo ng ina ni Doc Manny at mga kapatid sa Cebu.

Ang klinika nito sa Cebu ay nagbukas noong Hunyo 8 na teknikal nang “hiwalay” sa entity ng kilalang Calayan clinics ng mga doctor.

”Gabi-gabi akong nagdarasal na sana lumambot ang kanilang mga puso para maayos na ito. Ang tawag ko nga rito’y away magkakapati na matatapos din,” sambit pa ni Dra. Josefina.

Aminado si Dra. Josefina na sobra siyang nasaktan sa alegasyon ni Dra. Pie na sila’y mga pekeng doctor. ”I’m 82 years old na and I’ve been into this profession (OB Gynecologist) for how many years na. I have seven kids, five of them are doctors and the two are CPA and lawyer,” ani Dra. Josefina. ”Masama ang loob ko dahil paano kaming magiging fake doctors eh, for how many years na kaming nagsisilbi bilang mga doctor.

“We are not fake doctors,” giit pa ng matriarch ng Calayan.

Si Dra. Josie rin ang isa sa nagtatag ng Calayan hospital, Calayan school, at mga klinika sa Pilipinas mula pa noong 1960 bago pa naging tanyag ang pangalang Calayan sa aspeto ng cosmetic surgery.

Sinabi pa ni Dra. Josefina, ang matriarch ng Calayan Medical Group Inc. (CMGI), na pagmamay-ari ng pamilya nila ang may tatlong henerasyon nang medical group na pinatatakbo ng mga propesyonal sa iba’t ibang larangan.

Sa kabilang banda, nagpahayag din ng sama ng loob ang pamangking si Lalen dahil sa tila pag-etsapuwera sa kanya gayundin sa ibang kapatid ni Doc Manny.

Si Lalen pala ang gumawa ng naturang logo ng Calayan.”Ako ang nagpakahirap doon sa logo. Sa akin ‘yun. Nawala si Dra. Pie ng maraming taon at malaki ang hirap ko sa clinic. Pero ginawa ko ‘yun dahil kapamilya ko sila. At simula ng mawala ang aking ama, si Tito Manny na talaga ang tumingin at nag-alaga rin naman sa akin.

“Nakakalungkot lang na nangyayari ito sa amin. Sinasabi lagi ni Tito Manny na wala siyang alam dito sa nangyayari pero nakapirma siya sa demanda kasama ang wife niya.”

Ano’t anuman ang kahinatnan ang kasong ito, aminado sina Dra. Josie at Lalen na pare-pareho silang talo.”Manalo man kami o matalo sa kasong ito, iisa rin ang epekto nito. Kaya sana maayos ang problemang ito sa labas ng korte,” giit pa ni Dra. Josie.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …