Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Konek na Konek! kayod kalabaw para makakuha ng mga pasabog

041015 IC Mendoza MJ Marfori Bianca King
KAYOD pa more lang ang peg ng hosts ng showbiz program ng TV5, ang Showbiz Konek na Konek! In all fairness kina IC Mendoza, MJ Marfori, at Bianca King, talagang mas pinaganda nila ang takbo ng show sa second season nito dahil bukod sa mga pasabog nilang exclusive interviews, bilib din kami sa powers nilang makuhanan ng panig ang ilang artistang mula sa ibang network na for the longest time ay ayaw magsalita tungkol sa mga isyung kinabibilangan nila.

Wala kaming masabi sa pagkakayod kalabaw ng tatlong TV hosts dahil kapansin-pansin din na hindi lang puro pagpapaganda at pagtsitsika sa loob ng set ang ginagawa nila. Kadalasan pa nga ay sila mismo ang nagco-cover sa mga showbiz event, at pumopronta talaga sa pag-interview sa kanilang mga kapwa artista.

Matatandaang kamakailan ay sa SKK una at eksklusibong nagsalita ang young actor na si Marco Gumabao tungkol sa umano’y kumakalat na nude pictures niya sa internet. At bago pa siya tuluyang pinagkaguluhan ng buong bayan, una ring natampok sa programa ang viral sensation na si Maria Sofia Love sa pamamagitan ng live video phone patch. At kung dati ay marami ang kumukuwestiyon sa kakayahan at kredibilidad nilang mga host, eh mas marami namang bumilib sa pagiging propesyonal nila sa pag-asikaso sa sensitibong estado ng dating child star na si Jiro Manio habang ito ay kanilang iniinterview sa NAIA.

At base nga sa mga plug na napapanood namin, may mga nakahanda pang mga pasabog ang SKK hosts sa darating na araw. Kabilang dito ang kaabang-abang na exclusive interview kay Hollywood actor Lee O Brian na magsasalita na tungkol sa napabalitang nakunan daw ang kanyang nobyang si Pokwang. ‘Yan ang mga hindi dapat palagpasin sa  Showbiz Konek na Konek na napapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa TV5!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …