Sunday , December 22 2024

Services Caravan sa Cebu BPOs kasado — Mar

 

KINAKASA na ni outgoing DILG Secretary Mar Roxas, sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Cebu, ang isang government services caravan para umikot sa mga opisina ng mga Business Processing Outsourcing (BPO) companies sa Cebu para sa kapakanan ng libo-libo nitong mga empleyado.

Nabuo ang inisyatibang ito pagkatapos bumisita ni Roxas kahapon sa Cebu at nakipag-usap sa ilang mga empleyado ng BPO habang nag-aagahan sa isang fast food chain doon.

Marami sa call center employees ang nagtatrabaho sa gabi o sa tinatawag na ‘graveyard shift’ di tulad ng ibang empleyadong alas otso hanggang alas singko ng hapon. “Maa-access na nila ang serbisyo ng gob-yerno nang hindi kinakailangang pumunta sa head office,” sabi ni Roxas. 

Magiging one-stop shop ang mga service caravan na ito para maayos ang kanilang mga problema sa PhilHealth, PAG-IBIG, SSS at NBI clearance. 

Ikinatuwa ni Cebu Governor Hilario “Junjun” Davide III ang proyekto dahil maraming Cebuano ang mas madaling maaabot ang mga serbisyo ng pambansang pamahalaan.

Inilapit din ng call center workers kay Roxas ang kanilang iba pang hinaing tulad ng dagdag seguridad mula sa PNP lalo na sa gabi tuwing uuwi sila mula sa trabaho.

Kaya’t agad inatasan ni Roxas ang PNP para paigtingin ang police visibility sa Cebu lalo na sa gabi para sa kaligtasan ‘di lamang ng call center agents pati na rin ang ordinaryong mamamayan.

Matatandaang si Roxas ang tinaguriang Ama ng BPO Industry dahil sa mga hakbang niya noong siya pa ang kalihim ng Department of Trade and Industry sa administrasyong Estrada.

Dito naipasa ang E-Commerce Act at ilan pang batas at regulasyon na nakatulong mapadali ang pagnenegosyo ng mga kompanya ng BPO.

Sa ngayon ay nangunguna ang Filipinas sa buong mundo sa voice related services at may tinatayang isang milyong Filipino ang nagtatrabaho sa industriyang ito.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *