Friday , November 15 2024

Valisno driver positibo sa shabu (Bus kolorum)

POSITIBONG nasa impluwensiya ng droga ang driver ng Valisno Bus Line nang maganap ang pagkabangga ng bus sa isang arko na kumitil sa buhay ng apat katao nitong Miyerkoles ng umaga sa Quirino Highway, Quezon City.

Ayon kay Sr. Insp. Marlon Meman, hepe ng Traffic Sector 2, lumabas na positibo sa droga ang driver na si Georpe Pacis sa isinagawang drug test.

Kaugnay nito, nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting in damage to property, multiple physical injuries, multiple homicide at paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code (abandoning a person in danger or one own’s victim)  si Pacis, 35, kasalukuyan nakakulong sa QCPD Traffic Sector 2 Detention Cell.

Matatandaan, tumakas pa ang suspek makaraan ang malagim na insidente ngunit hindi siya tinamtanan sa pagtugis ng mga operatiba ng QCPD Sector 2 sa pangunguna mismo ni Sr. Insp. Memam, hanggang maaresto si Pacis sa kanyang tinutuluyan sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *