NASA Japan si Manny Pacquiao para suportahan ang “bid” ng Pilipinas na makuha ang karapatan na dito sa bansa gawin ang World Cup.
Nagkaroon ng pagkakataon si Joe Koizumi ng FightNews.com na makapanayam ang tinaguriang Pambansang Kamao ng Pinas.
Ayon kay Pacquiao, base na rin sa unang tanong ni Koizumi, na okey na ang kanyang balikat. Inikot-ikot pa niya ang balikat para ipakitang wala na itong problema.
“You are called “Asian hero” and greatly respected even here in Japan. How do you review your fight with Mayweather this May?” tanong ni Koizumi.
“He was running away all the time. I was making the fight by stalking him and believe that I deserved a victory,” sagot ni Pacman.
“What’s your plan from now on?” muling tanong ni Koizumi.
“I’d like to concentrate my efforts on working as a politician this year, and want to fight Mayweather in a rematch. I’ll be ready for that mentally and physically next year. I’ll show a better performance against him than in the first encounter.”
Nang tanungin si Pacquiao kung ano ang masasabi niya sa magiging laban ni Floyd kay Berto sa Setyembre, “It will be a good fight as Andre Berto is fast and strong.”