Friday , April 25 2025

Binay 5 taon pumalakpak sa sinasabing palpak ngayon — Palasyo

LIMANG taon kang pumapalakpak noon sa mga sinasabi mong palpak ngayon.

Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa inihayag na True State of the Nation Address (TSONA) ni Vice President Jejomar Binay kahapon.

Sa kanyang “True SONA” binatikos niya ang aniya’y palpak at manhid na administrasyong Aquino.

Habang ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, hindi siya nakinig sa talumpati ni Binay ngunit umasa siyang tumpak at nakabatay ito sa ebidensiya gaya ng SONA ni Pangulong Aquino.

Sabi ni Abad, sana’y nakapagbigay ng insipirasyon sa hinaharap dahil kung hindi ay mapalad siyang ginugol na lamang ang oras sa trabaho kaysa makinig kay Binay.

“I did not listen to VP Binay. I hope he was as specific, factual and evidence-based as PNoy’s SONA. I hope he was as uplifting as PNoy was. I hope he inspired hope in the future. If not, I am lucky then to have used my time with work,” ani Abad.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Aquino na totoong SONA ang kanyang inilahad kamakailan, kaya niyang panindigan at wala siyang record nang pagsisinungaling kaya umaasa siyang katotohanan lamang ang ihahayag ni Binay sa publiko at hindi puro panlilinlang.

“One would hope he would honor his pledge to serve people, and part of that is giving them the right information. Wala akong tradisyon o record na nagsisinungaling kanino man. I stand by what I said,” ayon sa Pangulo.

About Rose Novenario

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *