Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, nalungkot na ‘di na makakasama si Angeline sa FPJ’s Ang Probinsyano

080115 angeline quinto coco martin

00 fact sheet reggeeSI Coco Martin pala ang huling nakaalam na wala na sa FPJ’s Ang Probinsyano serye si Angeline Quinto.

Nalaman lang daw ito ng aktor kamakailan kasi nga bisi-bisihan siya sa sunod-sunod na tapings ng Ang Probinsiyano na malapit ng umere.

Base sa panayam ng aktor sa ABS-CBN news sa ginanap na birthday party ng kanyang lola sa showbiz na si Ms Susan Roces kamakailan.

“Alam ko magkakasama kami pero nabalitaan ko na nagkaroon ng problema sa schedule kasi mayroon na siyang commitments abroad.

“Si Angeline kasi, sa unang pelikula niya, ako na ang kasama niya. Noong napanood ko kasi siya before, sabi niya kasi parang hinahangaan niya ako bilang artista.

“Noong napanood ko, sabi ko balang araw makakatrabaho ko ito. And then ‘yun nga, ginawa namin ‘yung konsepto ng ‘Born to Love You,’ siya talaga ‘yung naisip ko na maging leading lady. Talagang trinabaho namin. Sinamahan ko siya sa workshop. Natuwa naman ako.

“Nalungkot ako noong nalaman ko kasi unang-una, bagay na bagay sa kanya ‘yung role. Pero sabi ko nga, siyempre may management, kung ano ang magiging decision nila. Nakahihinayang kasi hindi nag-match sa schedule niya,” pahayag ni Coco.

Maging si Angeline rin ay nanghinayang dahil nga gustong-gusto niyang makatrabaho ang aktor sa serye.

Sabi pa sa amin na hindi rin kasi kakayanin ng singer/actress ang schedule ng tapings ng FPJ’s Ang Probinsiyano dahil kaliwa’t kanan nga ang shows nito at ayaw namang maging cause of delay siya dahil malapit na itong umere.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …