Sunday , December 22 2024

Roxas-Vilma niluluto?

SA KABILA ng mga meeting nina Pangulong Noynoy Aquino, Senadora Grace Poe at Sen. Chiz Escudero bilang bahagi ng konsultasyon ni PNoy para sa nalalapit na halalan ay biglang umusbong ang pangalan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na makatambal ni DILG Secretary Mar Roxas, hindi sa pelikula ngunit para sa 2016 election. 

Tumungong Batangas City Provincial Capitol si Roxas upang ibahagi ang bagong patrol jeeps sa mga munisipyo. 

Ang proyektong mabigyan ng isang bagong patrol jeep ang lahat ng munisipyo sa bansa ay inisyatiba sa ilalim ng ‘Oplan Lambat Sibat’ ng DILG at Philippine National Police, na kinikilalang nagpababa sa mga krimen sa National Capital Region at mga kalapit na rehiyon. 

Nang tanungin si Roxas sa posibilidad ng tambalan nila ni Gov. Vi, sinabi niya na: “Well, bakit naman hindi? It’s not for me to say. Pero tingnan na lang natin ang rekord.” 

Binalikan ni Roxas ang magandang track records ni Gov. Vi bilang mayor ng Lipa at three-term governor ng Batangas.

“A whole myriad of budgetary deficit to security, to agriculture, lahat iyan ay naharap niya. So, kung titingnan, may kakayahan, may karanasan, may kaalaman kung ano ang gagawain. So, nasa sa kanya at nasa mga kababayan niya kung ano ang mangyayari,” dagdag niya.

“Mahalaga rito ay ipagpatuloy natin ang napagtagumapayan na natin sa Daang Matuwid.”

 Umamin naman si Gov. Vi na merong “feelers” mula sa administrasyon para sa 2016.

‘“Thank you for considering me,” sabi ni Gov. Vi sa mga reporter na nakausap niya sa pasinaya ng mga bagong E-Passport system sa Malvar, Batangas kahapon.

Ngunit tumanggi ang actress-politician na magsalita lalo’t wala pang pormal na alok na inihahahin sa kanya si PNoy.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *