Sunday , December 22 2024

‘Panic’ lang ‘yan — Sen. Trillanes

NAKAHANDA si Sen. Antonio Trillanes IV na sagutin sa korte ang P200 million damage suit na isinampa sa kanya ni Vice President Jejomar Binay sa Makati Regional Trial Court.

Ayon kay Trillanes, hindi siya natatakot sa kaso at patuloy na ibubunyag ang mga katiwalian ni Binay.

Malinaw aniya na nagpa-panic na si Binay sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan kaya tinatakot na ang mga taong umuusig sa kanya.

“Nagpapakita lang ito na nagpa-panic si VP Binay kaya sinusubukan na lang niyang takutin ang mga taong umuusig sa kanya. Gayonpaman haharapin natin itong kasong ito sa korte at ipagpapatuloy pa rin namin ang pagbubunyag sa mga katiwaliang ginawa niya,” ani Trillanes.

Bukod kay Trillanes, kasamang kinasuhan ni Binay sina Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, Ombudsman Conchita Carpio-Morales at iba pa.

Sina Trillanes, Cayetano at Mercado ang unang nagbunyag sa sinasabing mga katiwalian na kinasasangkutan ni Binay noong siya pa ang mayor ng Makati City.

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *