Wednesday , December 25 2024

Roxas at Dingdong, nagsanib-puwersa laban sa kalamidad at sakuna

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG nasanib-puwersa sina Dingdong Dantes at DILG Secretary Mar Roxas, para sa National Youth Commission, sa pagpo-formalize ng partisipasyon ng youth sector sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) activities ng mga local government units (LGUs).

Ito ay bilang pagkilala ni Roxas sa kahalagahan ng kabataan sa pagbuo ng matatag na komunidad laban sa kalamidad at sakuna.

“Kabahagi na natin ang kabataan sa ating paghahanda para sa mga kalamidad dahil hindi natin alam kung ano ang hamon mula sa kalikasan. Ang importante ay pormal na nating katuwang ang mga kabataan, sa pangunguna ng National Youth Commission, sa paghahanda ng LGUs sa oras ng kalamidad,” ani Kuya Mar sa signing ceremony na ginanap sa Quezon City.

Sa joint memorandum na nilagdaan ng DILG at NYC, malaki ang suportang ibinigay din ni Dingdong sa initiative ni Mar na pag-isahin ang mga provincial governor, city at municipal mayor, at mga lider ng barangay para mahubog ang kabataan sa paghahanda ng bayan laban sa kalamidad at sakuna.

Ani Dingdong, masaya siya bilang appointed commissioner ng NYC dahil kinikilala ni Sec. Mar ang kabataan bilang bahagi ng mga disaster preparedness activities sa local level.

“Ang kalamidad ay isa sa issues na majority ng ating kababayan ang naaapektuhan. Sa kagustuhan naming makatulong, natutuwa kami dahil nakita ng DILG ang importansiya ng kabataan sa paghahanda,” sambit pa ni Dingdong.

Inaasahan na isasali ng LGUs ang youth sector ni Dingdong bilang lehitimong miyembro ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) sa kanilang mga komunidad.

Kakatawanin ng youth group ni Dingdong ang civil society organization sa LDRRMC upang tumulong sa LGUs sa disaster preparedness at iba pang mga other post-disaster activities gaya ng pakikipag-usap sa mga biktima ng trahedya.

Ayon sa mga national at local consultation na ginwa ng grupo ni Dingdong, bago pa man nila nilagdaan ang MOA, matagal nang tumutulong ang youth sector sa maraming aktibidades gaya ng hazard mappings, relief operations, at search and rescue efforts.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *