Sunday , December 22 2024

State of the Youth Address inilunsad

SA pangunguna ng Kabataan Party-list Southern Tagalog, inilunsad noong Hunyo 12 ang State of the Youth Address: “The role of Filipino youth in the struggle for national sovereignty” sa Polytechinic University of the Philippines (PUP) Biñan, kung saan itinatag ang Republika Katagalugan.

Mahigit 150 mag-aaral mula sa PUP Biñan ang nakiisa sa ginanap na aktibidad sa paaralan, na pinagtulung-tulungan ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Southern Tagalog, National Union of Students of the Philippines (NUSP) Southern Tagalog, PUP Binan Supreme Student Council, at The Obelisk, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng PUP.

Sinimulan ang programa sa isang keynote speech mula kay Anthony Monserrate, Jr., ang kasalukuyang Supreme Student Council President. Iginiit ni Monserrate na ang pagiging makabayan ay hindi nasusukat sa pagsusuot ng mga t-shirt na may nakasulat na “I love Philippines,” maging sa paggamit ng hashtags katulad ng #ýProudPinoy. Sa halip, ito ay nasusukat sa aktibong partisipasyon upang isulong ang tunay na pagbabago sa lipunan.

Sa naturang aktibidad, nagkaroon ng diskusyon patungkol sa National Situation, na tinalakay ni Athena Gardon, ang National Secretary-General ng CEGP. Tinalakay ni Gardon ang tunay na kalagayan ng bansa kabilang na ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya na nagreresulta sa mataas na presyo ng mga bilihin, kawalan ng trabaho, patuloy na tumataas na presyo ng edukasyon na dahilan kung bakit malaking porsi-yento ng kabataang Filipino ang hindi makatuntong sa mga paaralan at mga represibong polisiya ng administrasyong Aquino.

Sumunod ang diskusyon ni Renato Reyes, National Secretary-General ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) patungkol sa agresyon ng Estados Unidos at ng China, na nag-aagawan sa bansa. Ipinaliwanag ni Nato ang importansiya nang pakikipaglaban para sa pambansang soberanya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pambansang kasarinlan at pagtataglay ng damdaming makabayan.

Nagkaroon din ng Open Forum makaraan ang dalawang talakayan, na aktibong lumahok ang mga mag-aaral.

Matapos ang Open Forum ay itinatag ang Republika Katagalugan na naglalayon na pagkaisahin ang iba’t ibang sektor sa lipunan tungo sa iisang mithi— ang ganap na paglaya mula sa mga dayuhan.

Dumalo rin ang mga representante mula sa iba’t ibang sektor, at isa-isang nagbigay ng mensahe ng pakikiisa, kabilang na ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist, PAMANTIK-KMU, KASAMA-TK, UCCP, at Anakbayan-Southern Tagalog.

Ang mga nabanggit na organisasyon, kasama na ang PUP Biñan Supreme Student Council at The Obelisk ang convenors ng Republika Katagalugan.

“Sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, hindi na nararapat na ang mga kabataan ay magmistulang kimi. Mula pa noong unang panahon, malaki ang naging ambag ng kabataan sa mga naging tagumpay ng rebolusyong Filipino,” ani Jil Caro, CEGP-Southern Tagalog Regional coordinator.

“Kaya naman, narara-pat na magpatuloy ang pagtanggap sa hamon ng mga kabataan upang patuloy na makipaglaban, igiit ang mga batayang karapatan, makiisa sa iba’t ibang sektor, tumindig laban sa mga pananamantala ng mga dayuham, at isulong ang tunay na pagbabago at tunay na paglaya ng lipunan,” pagtatapos ni Caro.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *