Thursday , December 26 2024

6 hours meeting nina PNoy, Mar, Grace at Chiz sa Malakanyang

NAG-DINNER nitong Miyerkoles sa Malakanyang sina Pangulong Noynoy Aquino, DILG Sec. Mar Roxas, Senador Grace Poe at Sen. Chiz “Heart” Escudero.

Nagsimula ang dinner ng alas-7 at natapos ng ala-1:00 ng madaling araw. Anim na oras!

Ang topic: Siempre ano pa ba ang napakahalaga nilang pag-uusapan kundi ang magiging manok ng administrasyon sa 2016 election.

Ayon sa ating source, maganda ang kina-hinatnan ng pag-uusap sa harap ng Chinese foods. Pero wala parin daw nabuo o final na  pag-uusap kung sino na nga ang iendorso ni PNoy na magpapatuloy ng kanyang nasimulang “tuwid na daan”.

Nag-set daw uli ng isa pang miting next week, ilang araw bago ang huling SONA ni PNoy sa Hulyo 27 (Lunes).

Ang dinner meeting nung Miyerkoles ay pangatlo na sa pagitan ng Pangulo at tatlong presidentiables.

Sa isang ambush interview ng media, marami ang napabilib sa statement ni Sec. Roxas nang tanungin siya kung willing ba siyang mag-slide down uli sa nangunguna sa survey na si Sen. Poe: I think I should not be the one to be asked about that because my track record is clear, that we are capabale of sacrificing… of giving way for the sake of a greater ocjective… to pursue the straight path.”

Si Roxas ay nag-slide down na noong 2010 kay Noynoy na siyang pangulo natin ngayon.

Ayon sa kilalang political strategist na si Sen. Serge Osmena, mas maganda na kumuha muna ng anim na taong karanasan si Sen. Grace bilang Vice President bago sumabak sa pagka-Presidente sa 2022.

Maari aniya siyang manalo sa pagka-presidente pag tumakbo ngayong 2016, pero tiyak na mahihirapan siya kapag nakaupo na lalo’t wala pa nga itong karanasan sa pagpapatakbo ng gobyerno. Tama!

Pero, kapag naging Vice President muna siya ng anim na taon, tiyak aniyang maganda na ang magagawa niya sa 2022 dahil tiyak namang mananalo siya by that time dahil sa maganda niyang pag-uugali na angkop sa masa.

Sa damdamin ko ay tama si Osmena. Dahil marami nang mahuhusay na naging lider ng bansa, isa na nga rito ay si Gloria M. Arroyo na isang guro sa Economics sa Ateneo bago nagong senador at bise presidente, pero nang maging presidente ay nahirapan parin sa pagsulong sa ekonomiya at peace and order ng bansa.

Kaya agree ako rito sa pag-analisa ni Sen. Osmena na naging political stragest din ni Poe noong 2013.

Ayon naman sa mga opisyal at kilalang miyembro ng Liberal Party, si Roxas ang higit na karapat-dapat para magpatuloy sa tuwid na daan ni PNoy dahil handang handa na ito, base narin sa mga karanasan nito sa pagiging public servant… mula sa pagiging kongresista, DTI Secretary, Senador, DOTC Sec. at ngayon ay DILG Sec.

Malamang Roxas-Poe na ito! Abangan!!!

Mga komisyoner na sekyu ng Terminal 4 (airport)

– Sir Joey, paki-kalampag lang ang pamunuan ng Terminal 4 tungkol po sa mga guwardya nila na garapalang nanloloko sa mga pasahero na gustong makakuha ng ticket, hotel at palit ng pera sa money changer. Iniiwan po kasi nila ang puwesto para samahan ang mga ito (pasahero) para sa mga ticketing office, money changer at hotels kapalit ng insentibo na ibinibigay sa kanila, na hindi alam ng mga pasahero ipinapatong sa presyo, na libo ang patong ng bawat ticket or hotels na makukuha nila. Yun lang po. – Concerned citizen

Tulad ni Sen. Bong, pagbigyan din ang mga preso makadalaw sa kaanak na may sakit

– Joey, maraming preso ngayon na katulad ni Sen. Bong (Revilla) ay may mga kamag-anak na may malubhang karamdaman, sana bigyan din sila ng pagkakataon na mabisita ang mga kapamilya na nasa ospital na kritikal ang kalagayan. Sana pantay pantay ang batas. – 09206035…

Para sa mga preso na gusto madalaw ang kanilang kaanak na may malubhang sakit, kailangan nyo ng permiso ng korte. Tulad ng ginawa ni Sen. Revilla, humingi siya ng permiso sa Sandiganbayan na may hawak ng kanyang kaso. Ganyan po talaga ang proseso dyan.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *