Sunday , December 22 2024

China deadma sa The Netherlands Arbitration

ISANG linggo bago ang pagdinig ng The Netherlands-based Permanent Court of Arbitration sa kaso ng Filipinas laban sa China, sinabi ng Chinese government na hindi sila magpapadala ng kinatawan at mananatiling hindi makikibahagi sa arbitration.

Ang Philippine legal team, sa pangunguna ni Solicitor General Florin Hilbay, ay nakatakdang idepensa ang kaso ng Filipinas sa China kaugnay sa pagsakop sa buong West Philippine Sea, ngayong Hulyo 7 hanggang 13.

Sinabi ni Chinese Foreign Affairs Ministry Spokesperson Hua Chun-ying, kahapon “China has made it pretty clear of not accepting nor participating in the South China Sea arbitration unilaterally initiated by the Philippines.”

“What the Philippines does is an obvious political provocation under the cloak of law,” aniya. “The Philippines attempts to attain more illegal interests for itself and force China to make compromise on relevant issue. This is impractical and will lead nowhere.”

Ayon sa spokersperson, dapat nang ibasura ng Filipinas ang ilusyon at bumalik bilateral negotiation at konsultasyon para sa pagresolba sa sigalot at makipagkasundo sa China.

Nanindigan ang China na sila ang may-ari ng buong West Philippine Sea.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *