Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC ‘di raw sila naging mag-on ni LJ, pero inaming nagde-date sila

 

122914 lj reyes jc de vera

00 SHOWBIZ ms mINAMIN ni JC De Vera na lumalabas-labas sila ni LJ Moreno sa loob ng dalawang buwan pero hindi raw sila naging mag-on. Iginiit din ng actor na hindi na sila nagkikita sa ngayon. Hindi pa raw kasi ito ang tamang oras o panahon para magkaroon sila ng isang relasyon.

Nakausap namin si JC sa presscon ng nalalapit nilang concert nina Daniel Matsunaga at Matteo Guidicelli sa Music Museum, ang Dreamboys, sa July 11, at sinabi nitong naglaan naman siya ng panahon para kay LJ nagkataon lamang na priodidad niya ang kanyang career kaya siya lumipat sa Kapamilya Network noong 2013.

“Ang main purpose ko sa paglipat sa ABS-CBN is to work, to earn, magbaon ng maraming projects sa future. I have to set ‘yung mga priorities ko straight. So hindi ko naman puwedeng sisihin ang schedule ko kung bakit nangyayari ang bagay-bagay. Ako kasi ang may gusto nito. Siguro hindi lang talaga time,” giit pa ni JC na special guest nila sa concert sina Erich Gonzales at KZ Tandingan.

061015 dreamboys

Sinabi pa ni JC na, nag-usap na sila ni LJ na ayusin ang mga bagay-bagay at kung paano ang adjustment na gagawin nila.

“Ayaw kong sabihin na walang time kasi nag-put naman ako ng effort sa oras na ‘yon kapag wala akong trabaho. Pero ‘yun nga like I said pareho kaming may kanya-kanyang priorities. I think hindi lang talaga siya nag-match. At ako ang nag-decide to stop,” paglilinaw pa ni JC.

At nang linawin ng press kung siya ang nakipagkalas kay LJ, sinabi ni JC na, “Walang confirmation about the relationship. ‘Yung part na ‘yon gusto ko siyang i-keep ng private kasi si LJ napakabait naman na tao. Ayaw kong madagdagan ‘yun kahit ano pang isyu tungkol sa kanya,” at sinabi pang anumang nangyari sa kanila, mananatili ang pagkakaibigan nilang dalawa ni LJ.

Sa kabilang banda, ipinangako nina JC, Matteo, at Daniel na isang spectaculat entertaining evening ang ihahandog nila sa mga manonood ng kanilang konsiyerto sa July 11 dahil pawang mga naggagandahang musika ang iparirinig nila na in-arrange by no less than the Music Director to the Stars na si Marvin Querido. Ididirehe naman ito ni Frank Lloyd Mamaril.

Ito’y prodyus ng Hills and Dreams Events Concepts Co., na mabibili ang ticket sa Music Museum (7216726) at sa lahat ng Ticketworld outlet (8919999). Handog din ito ng Gold’s Gym, Echanted Kingdom, Jing Monis Salon, Shimmian Manila, L1H2 by Revage, FLM Creatives and Productions, inc., Jet 7 Bistro, Devant, DTC Mobile, Dental Focus, Afficionado, at 10 inch Lights and Sounds.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …