Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Louise, ‘di sikat kaya no pansin ang ampon issue

ni Ed de Leon

051415 Louise Delos Reyes

SIGURO kung talagang sikat na nga iyang si Louise delos Reyes aagaw sa headlines iyong paglabas niyong isang babaeng nagsasabing nanay niya na nagpa-ampon lamang sa kanya sa iba matapos siyang ipanganak dahil wala iyong kakayahang buhayin siya. Ginawa pa nilang dalawang araw na serye ang “supposed to be expose” na iyon. Noong una lumabas lamang ang babaeng nagpakilalang isang Morena Ebrada na siya raw ang tunay na nanay ni Louise, sinabi ang kanyang kuwento at pagnanais na makita ngayon ng personal at magpakilala sa inaangkin niyang anak niya.

Noong ikalawang araw naman, nagkaharap na sina Ebrada at Louise, nagyakapan pa at sinabi niyang ok lang sa kanya iyon basta may mailabas na ebidensiya si Ebrada na iyon nga ang tunay na nanay niya.

May mga nakita lang kaming butas sa kuwento. Una, sinasabi ni Ebrada na siya ang tunay na nanay ni Louise, pero hindi niya sinabi kung sino ang tunay na tatay. Ikalawa, hindi rin niya sinabi kung saan niya ipinanganak si Louise, dahil kung ospital iyon o kahit na kumadrona lamang, tiyak na inirehistro ang kapanganakan ng bata sa civil registrar dahil trabaho nila iyon.

Sa parte naman ni Louise, hindi namin alam kung bakit ang ipinakita niya ay ang naka-tattoo sa batok niyang sinasabing birthday niya na September 1, at hindi ang sinasabi ni Ebrada na ipinanganak siya noong August 10. Kailan ba inilagay ang tattoo, noong ipanganak siya? Ang pinaka-simple riyan inilabas sana niya ang kanyang birth certificate at pinagsalita ang magulang niya, hindi iyong siya lang ang nakipagharap.

Siguro dahil sa mga butas na ganyan, ni hindi pinatulan kahit na ng mga major newscast nila ang istorya. Una, marami ngang butas ang kuwento, Ikalawa, kasi wala namang pumapansin diyan kay Louise simula noong malunod ang career sa kanyang sirena serye.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …