Monday , December 23 2024

Laban ni Pacquiao, lutong makaw

050415 pacman floyd

“HINDI siya (Manny Pacquiao) natalo kay Mayweather… natalo siya sa mga judge.”

Iyan ang deklarasyon ng mga nagsipanood ng laban ng Pambansang Kamao kontra kay Floyd “Money” Mayweather Jr., sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Nagkatotoo ang prediksyon ng ilan na kakailanganing patulugin o pabagsakin ni Pacquiao ang ngayo’y napatunayang pound-for-pound king ng mundo kung nais niyang manaig sa binansagang ‘Battle for Greatness’ at mega-fight of the century.

Nananig si Mayweather sa tatlong judge na nagbi-gay ng 118-110 at magkatulad na 116-112, pabor lahat sa Amerikanong kampeon, para matalo ang pambato ng Filipinas.

Inukit ni Mayweather sa score cards ang unanimous decision para manatiling undefeated sa record na 48 panalo.

Desmayado ang mga Pinoy na nanood ng sagupaan matapos ideklarang panalo si Mayweather para biguin ang umaasang makapanood ng madugong labanan.

“It appears you can win by running away (Kaya palang manalo kahit takbo nang takbo),” wika ni Jack Lea-Smith, mula sa Melbourne, Australia na nanood ng world welterweight unification bout sa isang hotel sa Ermita, Maynila.

Napanatili ng 38-anyos na si Mayweather (48-0, 26 KOs) ang titulo sa WBC at WBA welterweight division habang inagaw ang korona kay Pacquiao sa WBO.

Ito ang ikaanim na talo ng Pinoy boxing icon kontra 57 panalo at dalawang draw.

Sa buong laban, panay ang sugod ni Pacman ngunit nagawang dumepensa ni Mayweather para makaiwas na mapatumba o mapatulog ng Pinoy champion, na kinatawan din ng lalawigan ng Sarangani sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay ‘Money’ mag-reretiro na siya matapos ang susunod niyang laban sa Setyembre.

“My last fight is in September. I’ll do that and I will hang it up,” pahayag nito.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon matapos manalo si Mayweather:

Mula kay Lemuel Narvaez: “Si Mayweather ang pinakaduwag na boxer sa buong mundo kahit musmos na bata tatakbuhan niya… hahaha… duwag…”

Doctorzero Lab: “Patay na ang boxing nakakahiya at nakadedesmaya ang resulta ng laban. Sayang lang ang bonggang paghahanda.”

Michael Hogan: “Floyd Mayweather represents everything that’s wrong with sport and celebrity.”

Yul Baritugo: “Pacman Manny Pacquiao won contrary to reports. It will be in his bank soon and taxmen are already keen on keeping some. How could earning $100 ++ million be losing? Folks you’re so vulnerable to media hype. This is classic information warfare. Those celebs that went didn’t buy their tickets … it was free!”

Aye Sha: “Hindi naman kase na-inform si Pacman na takbuhan at yakapan pala ang labanan e.”

Victor Comia: “We are sad by the verdict… but for us he is still our champ.”

Veronica Villareal: “Manny is a good fighter not a runner, in our heart he still the champion… He did the right thing… Congrats to Manny.”

Ali Abdul Malik: “One meter by one meter na lang kasi ang size ng boxing ring para sa rematch nila next time para hindi na makatakbo nang makatakbo si Mayweather, hahaha! The fight is ‘catch me if you can,’ not boxing.”

Sa kabila ng mga mensaheng nauna, nagbigay ng kanyang pahayag ang Pambansang Kamao: “I did my best but I guess my best wasn’t good enough… I don’t want to make any alibis or excuses but it was a good fight. I will have to review the tapes.”

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *