Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jinkee Pacquiao: ‘Walang kaba’

043015 jinkee pacquiao

HINDI nababahala si Jinkee Pacquiao sa pinakama-halagang laban ng kanyang mister, ngunit naniniwala siyang dapat ma-knockout ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr., sa kanilang paghaharap sa MGM Grand sa Las Vegas sa Mayo 2 (Mayor 3 PH time).

Nakapanayam si Jinkee, na bise gobernador din ng Sarangani na kinakatawan ng Pambansang kamo sa Kamara de Representante, habang kasama ang kanyang mga anak na kumakain ng hamburger at fries sa Sunset Boulevard.

Ayon sa misis ni Pacman, hindi siya ninenerbi-yos sa showdown na binansagang Battle for Greatness:

“Siguro ‘pag dumating na ako sa Las Vegas at ma-lapit na ang laban.”

“Hindi ako worried dahil pinaghusayan niya talaga ang paghahanda at pagsasanay dito,” dagdag ni Jinkee.

Gayon pa man, naniniwala pa rin na kailangang mapabagsak at mapatulog ng kanyang asawa ang Amerikanong pound-for-pound king para mawakasan na rin ang mga katanungan kung sino ang mas mahusay sa da-lawa.

Pero manalo man o matalo, nais umano ni Jinkee na mag-retiro na si Manny matapos ang laban niya kay Maywea-ther, pero sinabi rin niyang hindi siya hahadlang kung ano man ang maging desisyon ng kanyang mister.

 

Kinalap Ni Tracy Cabrera

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …