Saturday , November 23 2024

Kotse niratrat 1 patay, 2 sugatan

041815 dead gun crime

CAUAYAN CITY, Isabela – Iniimbestigahan ng Santiago City Police Office ang dalawang anggulo sa pamamaril kamakalawa ng gabi ng mga suspek na sakay ng van at motorsiklo sa isang kotse sa Batal, Santiago City.

Namatay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ang dating nasa #7 sa drug watchlist ng SCPO na si Armando Francisco, 46, residente ng Sitio Kirat, Rizal, Santiago City.

Nasugatan ang dalawang kasama ni Francisco sa kotse na sina Jomar Balanza, 29, residente rin sa Brgy. Rizal, at Rodolfo Magat, 61, self-employed at residente ng Rosario, Santiago City.

Kabilang sa mga anggulong sinisiyasat ng mga awtoridad ang may kaugnayan sa ilegal na droga dahil nasa drug watchlist si Francisco, at kaugnay sa pagkatalo niya sa sabong.

Ang mga biktima ay galing sa sabungan sa Alicia, isabela at pauwi na sa Rizal, Santiago City nang mangyayari ang pamamaril.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *