ni Pilar Mateo
IT’S a hit!
Galing sa film festival sa Cairo, Egypt ang direktor na si Louie Ignacio dahil lumaban muli (matapos sa Inglatera) ang pelikula niyang Asintado (Between the Eyes).
Nang i-screen daw ito, nagulat siya sa commotion na ginawa ng ilang mga guro na nagprotesta sa mga napapanood nilang eksena na humantong sa kanilang pagwo-walk-out.
Natakot din daw siya. Dahil hindi naman daw niya alam ang kultura ng marami sa kanila at ang alam niya pumasa naman ito sa panlasa ng organizers at lumaban nga eh, walang magiging problema.
Marami pa rin daw nakanood sa kanyang pelikula. At nang mapaliwanagan naman ang mga nag-walk-out eh, humingi rin ang mga ito ng paumanhin kay direk.
Nang bumalik ng Maynila, hinarap na ang script at gagawin niya para sa mga kakailanganin sa nalalapit na 6th Golden Screen TV Awards ng ENPRESS, Inc. na idaraos sa Abril 26 (Linggo) sa Carlos P. Romulo Theater ng RCBC Plaza sa Makati.
“Next week, from the 11th to the 21st of this month, sa Houston, Texas sa US ko naman dadalhin ang ‘Asintado’.
Bongga, ha! Mukhang walang network na pumipigil kay direk para maglagalag sa iba’t ibang film festivals!