Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangay Chairman Francis Villegas; MPD Sports Festival

00 dead heatHUMATAW na ang 2nd Palaro para sa Batang Maynila (Inter-District Sports Festival 2015) ng Manila Sports Council sa Andres Sports Complex.

Si Barangay Chairman Francis Villegas ng Brgy. 752 Zone 81 ng Manila 5th district ang president o mamumuno sa mga batang maglalaro. May labing-limang players ang bawat team na kasali at ang mga ito ay bibigyan ng libreng basketball uniform.

Ang layunin ng Sports Fest ay upang hubugin ang mga bata sa larong basketball at para sa darating na panahon ay kanila itong pakinabangan.

oOo

Nagkaroon ng one day Sports Festival ang Manila Police District (MPD) kaugnay sa pagdiriwang ng Womens Month. Ang MPD Sports Festival sa pamumuno at suportado ni MPD Director General Rolando Z. Nana.

Ang mga babaeng pulis ang mga naglaro at ito ay galing sa iba’t-ibang MPD police stations at sa MPD headquarters.

Ito ang kaunaunahan na nagkaroon ng ganitong palaro ang Manila Police District sa tagal ng panahon ayon MPD Director Gen. Nana.

oOo

Lalargahan na sa Marso 28, 2015, araw ng sabado ang 2015 Philracom 3YO Local Fillies Sa karerahan ng Metro Turf Club,Inc. na may distansiyang 1,400 meters.

Ang mga nominado na kalahok ay 1.Miss Brulay, 2.Pricess Ella, 3.Real Talk, 4. Songs Of Songs at SuperV.

Sa araw ng linggo ay hahataw naman ang 2015 Philracom 3YO Local Colts sa distansiyang 1,400meters. Ang mga nominadong tatakbo ay ang 1.Cat’s Dream, 2.Diamond’s Best, 3. Dikoridik Koridak, 4. Right As Rain, 5. Spicy Time at Son Of Thunder.

Mapapanood din ng Bayang Karersita sa araw ng Sabado Marso 28,2015 ang MARHO Founders Cup Racing Festival at ang General Assembly and Election of Officers.

SUPORTAHAN PO NATIN BAYANG KARERISTA ANG MGA PAKARERA NG MARHO.

 

 

ni Freddie M. Mañalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …