Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

I never made prisinta — Pauleen to Danica and Oyo

ni Pilar Mateo

Manila, Philippines-Vic Sotto and Pauline Luna during the Second

MADERA o madrasta?

Nakatsikahan namin si Pauleen Luna kamakailan. At kasama sa mga tanong namin sa kanya ang tungkol sa pakikisamahan niya in the future na mga anak ng kanyang boyfriend na si Bossing Vic(Sotto) na sina Danica at Oyo na mas visible sa lahat ng mga anak nito.

“I never made prisinta naman or anything basta may kinalaman sa kanila. Alam ko ‘yun? Hindi ko kailangang umeksena. Mas maganda na lang na lahat ng bagay will rightfully fall into place.

“Three years of being together, ang maia-assure ko lang sa kanila is that I love their father. And through the years, doon din naman nila nakikita ang totoo. Hindi ko rin naman kasi ipinipilit ang sarili ko. And I don’t have anything against them or problems with them.”

Sa bashers lang?

“Sabi nga niya (Vic) tigilan ko na ang mag-online. Sa akin naman, online or not hindo naman titigil ang mga ‘yun ‘pag gusto nila. Huwag lang sobrang below-the-belt. Eh, nabasa na natin ang mga isyu. Ganoon pa rin naman. Na mukhang pera ako. Na pera lang ni Vic ang habol ko. Hindi ako affected for myself. Mas affected ako for him. Kasi ‘yun lang ba ang rason para mahalin ko siya.”

This Holy Week, sa Osaka, Japan magbabakasyon ang tropang Eat…Bulaga! na sabi nga ni Pauleen eh, ang mga pagkain ang habol nila dahil mas masarap ang mga paborito nila on that side of town.

Pero kahit nasa Land of the Rising Sun ang tropa, iiwanan nila tayo ng makabuluhang Lenten Presentation, ang Misteryo mula Lunes hanggang Miyerkoles Santo na may anim na kuwento.

Back-to-back sa Lunes (March 30) ang Biro ng Kapalaran (Keempee de Leon and Ms. Nova Villa) at Lukso ng Dugo (Aiza Seguerra and Ryzza Mae Dizon with Pia Guanio, Julia Clareteand Ricky Davao).

Sa Martes (March 31) naman matutunghayan ang Pangako ng Pag-Ibig nina Pauleen at Rocco Nacino at ang Pinagpalang Ama nina Joey de Leon, Wally Bayola, Jose Manalo and Ryan Agoncillo with Ms. Pilita Corrales.

At sa Miyerkoles (April 1) ang Aruga ng Puso nina Bianca Umali at Marian Rivera, at Sukli ng Pagmamahal ni Bossing Vic.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …