NALILITO raw ang isang reader sa mga nasusulat tungkol sa boyfriend ngayon ni Valerie Concepcion na una ng naging laman ng blind item namin dito sa “Vonggang Chika.”
Isa umanong opisyal sa Bureau of Immigration ang boyfriend ng sexy actress. Ang impormasyong ito ay naibulong sa amin ng matinik naming informant na never kaming ipinahamak o kinoryente kahit kailan.
Pero base sa bagong panayam kay Valerie ay isang ordinary lawyer ang inaamin niyang karelasyon ngayon at niyaya na raw siyang pakasal nito.
Wala naman tayong paki kung abogado nga ang papa ng aktres pero sino ‘yung sinasabing ka-on din niyang government official ay pamilyadong tao raw kaya’t lumalabas na other woman lang ang papel ni Valerie sa guy na very generous sa kanya.
Aba’y kung boyfriend nga niya ‘yung ‘ordinary’ lawyer tapos may benefactor pa siyang government official, huwag sabihing namamangka sa dalawang ilog ang dalagang ina.
Puwera na lang kung ‘yung abogado at Immigration officer ay iisang tao ‘di ba?
Well sana para huwag nang maging clueless ang lahat ay sabihin na ni Valerie kung sino ba talaga ang Papa niya.
The who kasi gyud!
ni Peter Ledesma