Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Milyong halaga ng mga sapatos ni kris, ipinangalandakan (Tetay, bagong Imelda Marcos…)

ni Alex Brosas

032415 kris aquino shoes

THERE is a new Imelda Marcos.

Tulad ng former First Lady, she, too, have a shoe collection na milyones ang halaga.

Da who siya? Si Kris Aquino.

Ipinost ni Kris recently sa kanyang blog ang shoe collection niya na talaga namang nakalulula. It can be compared to Imelda’s INFAMOUS 3,000 shoe collection.

Talagang ipinangalandakan ni Kris sa kanyang blog ang kanyang koleksiyon ng sapatos. Lahat na yata ng uri ng footwear ay mayroon siya–flats, stiletto, pumps, rubber shoes, wedges, sneakers, even snow shoes—which came in all forms, shapes, sizes, colors and brands.

Nasa collection ni Kris ang ilan sa Top Ten brand of shoes like Valentino, Louise Vuitton, Christian Louboutin, Jimmy Choo. Kasama rin sa kanyang koleksiyon ang brands like Prada, Lanvin.

Talagang shoe freak si Kris. Kapag natipuhan kasi niya ang style ay buy siya ng marami in all available colors like her Valentino collection na iisa ang style pero iba’t ibang kulay. Ang kanyang Manolo Blahnik collection ay ganito rin, iisa ang style pero pinakyaw yata niya ang lahat ng kulay.

Nakasaad din sa blog niya ang isang short anecdote involving her pricey shoes. Mayroon siyang dalawang pairs ng sapatos na nginatngat ng kanyang alagang aso na si Prada. Hinayang na hinayang siguro si Kris dahil sa pangyayari. Siyempre, by the thousands ang halaga ng 2 pairs ng shoes na ‘yon, ‘no!

Kasi naman, wala pa lang shoe rack si Kris. She was advised by her friends na bumili ng shoe racks which she did.

Sa nakita naming shoe collection ay naisip naming puwede nang makabili ng bahay ang amount ng kanyang mga pinagsamang sapatos. Baka isang house and lot na ang puwede niyang mabili dahil sa mga mamahalin niyang collection. Or isang condo kaya sa isang very upscale location.

Dapat ay ipunin ni Kris ang kanyang mga sapatos. Puwede siyang magtayo ng museum later on. Huwag niyang ipamigay ang kanyang mga sapatos sa kanyang loyal friends.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …